Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Exodo 31:1-18

31  At si Jehova ay patuloy na nagsalita kay Moises, na sinasabi:  “Tingnan mo, tinatawag ko sa pangalan si Bezalel+ na anak ni Uri na anak ni Hur mula sa tribo ni Juda.+  At pupuspusin ko siya ng espiritu ng Diyos sa karunungan at sa unawa at sa kaalaman at sa bawat uri ng kasanayan sa paggawa,+  sa pagdidisenyo ng mga kagamitan, sa paggawa sa ginto at pilak at tanso,+  at sa paggawa sa mga batong pangkalupkop+ at sa paggawa sa kahoy upang gumawa ng bawat uri ng kasangkapan.+  Kung tungkol sa akin, narito! isasama ko sa kaniya si Oholiab na anak ni Ahisamac mula sa tribo ni Dan,+ at sa puso ng lahat ng may pusong marunong ay ilalagay ko ang karunungan, upang magawa nga nila ang lahat ng iniutos ko sa iyo:+  ang tolda ng kapisanan+ at ang Kaban+ para sa patotoo at ang takip na nasa ibabaw+ niyaon, at lahat ng mga kagamitan ng tolda,  at ang mesa at ang mga kagamitan nito,+ at ang kandelero na yari sa dalisay na ginto at lahat ng mga kagamitan nito,+ at ang altar ng insenso,+  at ang altar ng handog na sinusunog at lahat ng mga kagamitan nito,+ at ang hugasan at ang patungan nito,+ 10  at ang mga kasuutan na yari sa gawang hinabi at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak para sa paglilingkod bilang mga saserdote;+ 11  at ang langis na pamahid at ang mabangong insenso para sa santuwaryo.+ Gagawin nila ang ayon sa lahat ng iniutos ko sa iyo.” 12  At sinabi pa ni Jehova kay Moises: 13  “Kung tungkol sa iyo, magsalita ka sa mga anak ni Israel, na sinasabi, ‘Ipangingilin ninyo lalo na ang aking mga sabbath,+ sapagkat iyon ay isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga salinlahi upang makilala ninyo na akong si Jehova ang nagpapabanal sa inyo.+ 14  At ipangingilin ninyo ang sabbath, sapagkat iyon ay banal sa inyo.+ Ang lumalapastangan dito ay talagang papatayin.+ Kung ang sinuman ay magsagawa ng gawain sa araw na iyon, lilipulin nga ang kaluluwang iyon mula sa gitna ng kaniyang bayan.+ 15  Anim na araw na maisasagawa ang gawain, ngunit sa ikapitong araw ay sabbath ng lubusang kapahingahan.+ Iyon ay banal kay Jehova. Ang sinumang magsasagawa ng gawain sa araw ng sabbath ay talagang papatayin. 16  At ipangingilin ng mga anak ni Israel ang sabbath, upang tuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga salinlahi. Ito ay isang tipan hanggang sa panahong walang takda.+ 17  Sa pagitan ko at ng mga anak ni Israel ay isang tanda ito hanggang sa panahong walang takda,+ sapagkat sa anim na araw ay ginawa ni Jehova ang langit at ang lupa at sa ikapitong araw ay nagpahinga siya at naginhawahan.’”+ 18  At pagkatapos niyang magsalita sa kaniya sa Bundok Sinai ay ibinigay niya kay Moises ang dalawang tapyas ng Patotoo,+ mga tapyas ng bato na sinulatan ng daliri ng Diyos.+

Talababa