Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Exodo 30:1-38

30  “At gagawa ka ng isang altar na pagsusunugan ng insenso;+ iyon ay gagawin mo mula sa kahoy ng akasya.  Isang siko ang haba at isang siko ang lapad, iyon ay dapat na parisukat, at ang taas nito ay dalawang siko. Ang mga sungay nito ay nakausli mula roon.+  At kakalupkupan mo iyon ng dalisay na ginto, ang pinakaibabaw nito at ang mga tagiliran nito sa palibot at ang mga sungay nito; at gagawa ka ng sinepang ginto sa palibot para roon.+  Gagawa ka rin para roon ng dalawang argolyang ginto. Gagawin mo ang mga iyon sa ibaba ng sinepa nito sa dalawang tagiliran nito, sa dalawang magkabilang tagiliran nito, sapagkat ang mga iyon ay magsisilbing mga suhay para sa mga pingga na ipambubuhat doon.+  At gagawin mo ang mga pingga na yari sa kahoy ng akasya at kakalupkupan mo ng ginto ang mga iyon.+  At ilalagay mo iyon sa harap ng kurtina na malapit sa kaban ng patotoo,+ sa harap ng takip na nasa ibabaw ng Patotoo, kung saan ako makikipagtagpo sa iyo.+  “At magpapausok si Aaron ng mabangong insenso+ sa ibabaw niyaon.+ Uma-umaga, kapag inaayos niya ang mga lampara,+ magpapausok siya niyaon.  At kapag pinagniningas ni Aaron ang mga lampara sa pagitan ng dalawang gabi, magpapausok siya niyaon. Iyon ay isang insenso na palagiang nasa harap ni Jehova sa buong panahon ng inyong mga salinlahi.  Huwag kayong maghahandog sa ibabaw niyaon ng kakaibang insenso+ o ng handog na sinusunog o ng handog na mga butil; at huwag kayong magbubuhos ng handog na inumin sa ibabaw niyaon. 10  At si Aaron ay magbabayad-sala sa ibabaw ng mga sungay nito nang minsan sa isang taon.+ Taglay ang dugo ng handog ukol sa kasalanan+ na pambayad-sala ay magbabayad-sala siya para roon nang minsan sa isang taon sa buong panahon ng inyong mga salinlahi. Iyon ay kabanal-banalan kay Jehova.” 11  At nagsalita pa si Jehova kay Moises, na sinasabi: 12  “Kailanma’t kukunin mo ang kabuuang bilang ng mga anak ni Israel bilang sensus sa kanila,+ ang bawat isa sa kanila ay magbibigay nga kay Jehova ng pantubos para sa kaniyang kaluluwa kapag kinukunan sila ng sensus,+ upang walang salot na dumating sa kanila kapag kinukunan sila ng sensus.+ 13  Ito ang ibibigay niyaong lahat na daraan patungo sa mga nabilang na: kalahating siklo ayon sa siklo ng dakong banal.+ Ang dalawampung gerah ay katumbas ng isang siklo. Ang kalahating siklo ay siyang abuloy para kay Jehova.+ 14  Ang bawat isang daraan patungo sa mga rehistrado mula dalawampung taóng gulang at pataas ay magbibigay ng abuloy kay Jehova.+ 15  Ang mayaman ay huwag magbibigay ng higit pa, at ang maralita ay huwag magbibigay ng kulang sa kalahating siklo,+ sa pagbibigay ng abuloy kay Jehova upang magbayad-sala para sa inyong mga kaluluwa.+ 16  At kukunin mo ang salaping pilak na pambayad-sala mula sa mga anak ni Israel at ibibigay mo iyon para sa paglilingkod sa tolda ng kapisanan,+ upang iyon ay magsilbi ngang pinakaalaala sa harap ni Jehova para sa mga anak ni Israel, upang magbayad-sala para sa inyong mga kaluluwa.” 17  At nagsalita pa si Jehova kay Moises, na sinasabi: 18  “Gagawa ka ng isang hugasan na yari sa tanso at ng patungan nito na yari sa tanso upang paghugasan,+ at ilalagay mo iyon sa pagitan ng tolda ng kapisanan at ng altar at lalagyan mo iyon ng tubig.+ 19  At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa.+ 20  Kapag pumapasok sila sa tolda ng kapisanan ay maghuhugas sila ng tubig upang hindi sila mamatay, o kapag lumalapit sila sa altar upang maglingkod at magpausok ng handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova.+ 21  At maghuhugas sila ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang hindi sila mamatay,+ at ito ay magsisilbing isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda para sa kanila, para sa kaniya at sa kaniyang supling sa lahat ng kanilang mga salinlahi.”+ 22  At si Jehova ay patuloy na nagsalita kay Moises, na sinasabi: 23  “At ikaw naman, kumuha ka ng mga pinakapiling pabango:+ namuong mga patak ng mira+ na limang daang yunit, at matamis na kanela+ na kalahati ng daming iyon, na dalawang daan at limampung yunit, at matamis na kalamo+ na dalawang daan at limampung yunit, 24  at kasia+ na limang daang yunit ayon sa siklo ng dakong banal,+ at langis ng olibo na isang hin.+ 25  Pagkatapos ay gumawa ka mula roon ng banal na langis na pamahid, isang ungguento, isang halo na gawa ng isang manggagawa ng ungguento.+ Ito ay magiging isang banal na langis na pamahid.+ 26  “At papahiran mo niyaon ang tolda ng kapisanan+ at ang kaban ng patotoo, 27  at ang mesa at ang lahat ng mga kagamitan nito at ang kandelero at ang mga kagamitan nito at ang altar ng insenso, 28  at ang altar ng handog na sinusunog at ang lahat ng mga kagamitan nito at ang hugasan at ang patungan nito. 29  At pababanalin mo ang mga iyon upang ang mga iyon ay maging kabanal-banalan.+ Ang sinumang hihipo sa mga iyon ay dapat na banal.+ 30  At papahiran mo si Aaron+ at ang kaniyang mga anak,+ at pababanalin mo sila para sa paglilingkod bilang mga saserdote sa akin.+ 31  “At sasalitain mo sa mga anak ni Israel, na sinasabi, ‘Ito ay mananatili bilang isang banal na langis na pamahid para sa akin sa buong panahon ng inyong mga salinlahi.+ 32  Hindi ito ipapahid sa laman ng tao, at ayon sa halo nito ay huwag kayong gagawa ng anumang tulad nito. Ito ay banal. Mananatili itong banal sa inyo. 33  Ang sinumang gagawa ng ungguentong tulad nito at magpapahid nito sa ibang tao ay lilipulin mula sa kaniyang bayan.’”+ 34  At sinabi ni Jehova kay Moises: “Kumuha ka ng mga pabango:+ mga patak na estacte at onica at mabangong galbano at dalisay na olibano.+ Dapat na magkaroon ng pare-parehong dami ng bawat isa. 35  At iyon ay gagawin mong insenso,+ na pinaghalu-halong mga espesya, na gawa ng isang manggagawa ng ungguento, inasnan,+ dalisay, banal. 36  At didikdikin mo ang iba niyaon hanggang sa maging pinong pulbos at ilalagay mo ang iba niyaon sa harap ng Patotoo sa tolda ng kapisanan,+ kung saan ako makikipagtagpo sa iyo.+ Iyon ay magiging kabanal-banalan sa inyo. 37  At ang insenso na gagawin mo sa halong ito ay huwag ninyong gagawin para sa inyong sarili.+ Para sa iyo ay mananatili itong banal kay Jehova.+ 38  Ang sinumang gagawa ng anumang tulad nito upang langhapin ang amoy nito ay lilipulin+ mula sa kaniyang bayan.”

Talababa