Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Exodo 27:1-21

27  “At ang altar ay gagawin mong yari sa kahoy ng akasya, limang siko ang haba nito at limang siko ang lapad nito. Ang altar+ ay dapat na parisukat, at ang taas nito ay tatlong siko.  At gagawin mo ang mga sungay+ nito sa ibabaw ng apat na panulukan nito. Ang mga sungay nito ay nakakabit doon, at kakalupkupan mo iyon ng tanso.+  At gagawa ka ng mga lata nito upang alisin ang abo ng taba nito, at ng mga pala nito, at ng mga mangkok nito, at ng mga tinidor nito, at ng mga lalagyan ng apoy nito; at ang lahat ng mga kagamitan nito ay gagawin mo mula sa tanso.+  At gagawa ka ng isang parilya para roon, isang kayariang tila lambat+ na yari sa tanso; at gagawa ka sa ibabaw ng lambat ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok nito.  At ilalagay mo iyon sa ilalim ng gilid ng altar sa pinakaloob, at ang lambat ay dapat na sa bandang gitna ng altar.+  At gagawa ka ng mga pingga para sa altar, na ang mga pingga nito ay yari sa kahoy ng akasya, at kakalupkupan mo ng tanso ang mga iyon.+  At ang mga pingga nito ay ipapasok sa mga argolya, at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng altar kapag binubuhat iyon.+  Gagawin mo iyon na isang hungkag na kahon na yari sa mga tabla. Kung ano ang ipinakita niya sa iyo sa bundok, gayon nila iyon gagawin.+  “At gagawin mo ang looban+ ng tabernakulo. Sa tagiliran sa gawing Negeb, sa dakong timog, ang looban ay may mga tabing na yari sa mainam na linong pinilipit,+ na isang daang siko ang haba ng isang panig. 10  At ang dalawampung haligi nito at ang kanilang dalawampung may-ukit na tuntungan ay yari sa tanso. Ang mga tulos ng mga haligi at ang kanilang mga sugpungan ay yari sa pilak.+ 11  Gayundin ang haba sa dakong hilaga, ang mga tabing ay isang daang siko ang haba, at ang dalawampung haligi nito at ang dalawampung may-ukit na tuntungan ng mga iyon ay yari sa tanso, ang mga tulos ng mga haligi at ang mga sugpungan ng mga iyon ay yari sa pilak.+ 12  Kung tungkol sa lapad ng looban, sa kanlurang panig, ang mga tabing ay limampung siko, ang kanilang mga haligi ay sampu at ang kanilang may-ukit na mga tuntungan ay sampu.+ 13  At ang lapad ng looban sa silangang panig sa dakong sikatan ng araw ay limampung siko.+ 14  At may labinlimang siko ng mga tabing sa isang panig, ang kanilang mga haligi ay tatlo at ang kanilang may-ukit na mga tuntungan ay tatlo.+ 15  At sa kabilang panig ay may labinlimang siko ng mga tabing, ang kanilang mga haligi ay tatlo at ang kanilang may-ukit na mga tuntungan ay tatlo.+ 16  “At sa pintuang-daan ng looban ay may isang pantabing na dalawampung siko ang haba, na yari sa sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na linong pinilipit, na gawa ng isang manghahabi,+ ang kanilang mga haligi ay apat at ang kanilang may-ukit na mga tuntungan ay apat.+ 17  Ang lahat ng mga haligi ng looban sa palibot ay may mga pangkabit na yari sa pilak, at ang kanilang mga tulos ay yari sa pilak ngunit ang kanilang may-ukit na mga tuntungan ay yari sa tanso.+ 18  Ang haba ng looban ay isang daang siko,+ at ang lapad ay limampung siko, at ang taas ay limang siko, na yari sa mainam na linong pinilipit, at ang kanilang may-ukit na mga tuntungan ay yari sa tanso. 19  At lahat ng mga kagamitan ng tabernakulo para sa lahat ng paglilingkod dito, at lahat ng pantoldang tulos nito, at lahat ng tulos ng looban ay yari sa tanso.+ 20  “Kung tungkol sa iyo, uutusan mo ang mga anak ni Israel na ikuha ka nila ng dalisay na napigang langis ng olibo para sa ilawan, upang pagningasin ang mga lampara nang palagian.+ 21  Sa tolda ng kapisanan, sa labas ng kurtina+ na nasa tabi ng Patotoo, ay aayusin iyon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa gabi hanggang sa umaga sa harap ni Jehova.+ Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa kanilang mga salinlahi,+ na isasagawa ng mga anak ni Israel.+

Talababa