Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Exodo 2:1-25

2  Samantala, isang lalaki sa sambahayan ni Levi ang yumaon at kumuha ng isang anak na babae ni Levi.+  At nagdalang-tao ang babae at nanganak ng isang lalaki. Nang makita niya kung gaano ito kaganda, iningatan niya itong nakakubli+ sa loob ng tatlong buwang lunar.+  Nang hindi na niya ito maikubli pa,+ kumuha siya para rito ng isang arkang papiro at pinahiran iyon ng bitumen at alkitran+ at inilagay roon ang bata at inilagay iyon sa gitna ng mga tambo+ sa pampang ng ilog ng Nilo.  Karagdagan pa, ang kapatid nitong babae ay tumayo sa malayo upang malaman kung ano ang gagawin sa kaniya.+  Pagkaraan ng ilang sandali ay lumusong ang anak na babae ni Paraon upang maligo sa Ilog Nilo, at ang kaniyang mga tagapaglingkod na babae ay naglalakad sa tabi ng Ilog Nilo. At nakita niya ang arka sa gitna ng mga tambo. Kaagad niyang isinugo ang kaniyang aliping babae upang makuha niya iyon.+  Nang buksan niya iyon ay nakita niya ang bata, at narito, ang bata ay umiiyak. At nahabag siya rito,+ bagaman sinabi niya: “Ito ay isa sa mga anak ng mga Hebreo.”  Nang magkagayon ay sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Paraon: “Yayaon ba ako at tatawag nga para sa iyo ng isang yayang babae mula sa mga babaing Hebreo upang maalagaan niya ang bata para sa iyo?”  Kaya sinabi sa kaniya ng anak ni Paraon: “Yumaon ka!” Kaagad na yumaon ang dalagita at tinawag ang ina ng bata.+  Pagkatapos ay sinabi sa kaniya ng anak ni Paraon: “Dalhin mo ang batang ito at alagaan mo siya para sa akin, at ako mismo ang magbibigay sa iyo ng iyong kabayaran.”+ Sa gayon ay kinuha ng babae ang bata at inalagaan ito. 10  At lumaki ang bata. Nang magkagayon ay dinala niya ito sa anak ni Paraon, kung kaya naging anak niya ito;+ at tinawag niyang Moises ang pangalan nito at sinabi: “Sapagkat hinango ko siya sa tubig.”+ 11  At nangyari nga nang mga araw na iyon, habang lumalakas si Moises, nilabas niya ang kaniyang mga kapatid upang tingnan ang mga pasanin na kanilang dinadala;+ at nakita niya ang isang Ehipsiyo na nananakit ng isang Hebreo mula sa kaniyang mga kapatid.+ 12  Kaya lumingon siya dito at doon at walang nakitang sinuman. Pagkatapos ay pinatay niya ang Ehipsiyo at itinago ito sa buhanginan.+ 13  Gayunman, lumabas siya nang sumunod na araw at narito, may dalawang lalaking Hebreo na nag-aaway. Kaya sinabi niya sa isa na wala sa katuwiran: “Bakit mo sasaktan ang iyong kasama?”+ 14  At sinabi nito: “Sino ang nag-atas sa iyo bilang prinsipe at hukom sa amin?+ Iniisip mo bang patayin ako gaya ng pagpatay mo sa Ehipsiyo?”+ Si Moises ngayon ay natakot at nagsabi: “Tiyak na hayag na ang bagay na ito!”+ 15  Nang maglaon ay narinig ni Paraon ang tungkol sa bagay na ito, at tinangka niyang patayin si Moises;+ ngunit tumakas+ si Moises mula kay Paraon upang makapanahanan siya sa lupain ng Midian;+ at umupo siya sa tabi ng isang balon. 16  Ang saserdote+ nga ng Midian ay may pitong anak na babae, at gaya ng dati ay pumaroon sila at sumalok ng tubig at kanilang pinunô ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.+ 17  At gaya ng dati ay pumaroon ang mga pastol at itinaboy sila. Dahil dito ay tumindig si Moises at tinulungan ang mga babae at pinainom ang kanilang kawan.+ 18  Kaya nang umuwi sila kay Reuel+ na kanilang ama ay bumulalas ito: “Paano kayo madaling nakauwi ngayon?” 19  Dito ay sinabi nila: “Isang Ehipsiyo+ ang nagligtas sa amin mula sa kamay ng mga pastol at, bukod diyan, ipinagsalok pa niya kami ng tubig upang mapainom niya ang kawan.” 20  Nang magkagayon ay sinabi niya sa kaniyang mga anak: “Ngunit nasaan siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya, upang makakain siya ng tinapay.”+ 21  Pagkatapos niyaon ay ninais ni Moises na makipanahanan sa lalaking iyon, at ibinigay nito kay Moises si Zipora+ na kaniyang anak. 22  Nang maglaon ay nanganak ito ng isang lalaki at tinawag niyang Gersom+ ang pangalan nito, sapagkat, sinabi niya: “Ako ay naging isang naninirahang dayuhan sa isang banyagang lupain.”+ 23  At nangyari nga na sa loob ng maraming araw na iyon ay namatay ang hari ng Ehipto,+ ngunit ang mga anak ni Israel ay patuloy na nagbubuntunghininga dahil sa pagkaalipin at humihiyaw nang may pagdaing,+ at ang kanilang paghingi ng tulong ay laging pumapailanlang sa tunay na Diyos dahil sa pagkaalipin.+ 24  Nang maglaon ay dininig+ ng Diyos ang kanilang pagdaing+ at inalaala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.+ 25  Kaya tiningnan ng Diyos ang mga anak ni Israel at ang Diyos ay nagbigay-pansin.

Talababa