Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Esther 3:1-15

3  Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dinakila ni Haring Ahasuero si Haman+ na anak ni Hamedata na Agagita+ at itinaas siya+ at inilagay ang kaniyang trono nang mataas kaysa sa lahat ng iba pang prinsipe na kasama niya.+  At ang lahat ng mga lingkod ng hari na nasa pintuang-daan ng hari+ ay yumukod at nagpatirapa kay Haman, sapagkat gayon ang iniutos ng hari may kaugnayan sa kaniya. Ngunit kung tungkol kay Mardokeo, hindi siya yumuyukod ni nagpapatirapa man.+  At ang mga lingkod ng hari na nasa pintuang-daan ng hari ay nagsabi kay Mardokeo: “Bakit mo sinusuway ang utos ng hari?”+  At nangyari nga, habang kinakausap nila siya sa araw-araw, at hindi niya sila pinakikinggan, na sinabi nila kay Haman upang makita kung ang ginagawa ni Mardokeo ay mananatili;+ sapagkat sinabi niya sa kanila na siya ay isang Judio.+  At nakikita ni Haman na si Mardokeo ay hindi yumuyukod at nagpapatirapa sa kaniya,+ at si Haman ay napuno ng pagngangalit.+  Ngunit kasuklam-suklam sa kaniyang paningin na si Mardokeo lamang ang pagbuhatan ng kamay, sapagkat sinabi nila sa kaniya ang tungkol sa bayan ni Mardokeo; at si Haman ay nagsimulang magsikap na lipulin+ ang lahat ng mga Judio na nasa buong nasasakupan ni Ahasuero, ang bayan ni Mardokeo.+  Nang unang buwan,+ na siyang buwan ng Nisan, nang ikalabindalawang taon+ ni Haring Ahasuero, ay may naghagis ng Pur,+ na siyang Palabunot,+ sa harap ni Haman araw-araw at buwan-buwan, hanggang sa ikalabindalawa, na siyang buwan ng Adar.+  At sinabi ni Haman kay Haring Ahasuero: “May isang bayan na nakapangalat+ at nakahiwalay sa gitna ng mga bayan sa lahat ng mga nasasakupang distrito na iyong pinamamahalaan;+ at ang kanilang mga kautusan ay kakaiba sa lahat niyaong sa ibang bayan, at ang mga kautusan ng hari ay hindi nila ginagawa,+ at hindi angkop na pabayaan na lamang sila ng hari.  Kung sa hari ay wari ngang mabuti, masulat nawa na puksain sila; at sampung libong+ talento na pilak ang ibabayad ko sa mga kamay ng mga magsasagawa ng gawain+ sa pamamagitan ng pagdadala nito sa ingatang-yaman ng hari.” 10  Sa gayon ay hinubad ng hari ang kaniyang singsing na panlagda+ mula sa kaniyang kamay at ibinigay iyon kay Haman+ na anak ni Hamedata na Agagita,+ na siyang napopoot sa mga Judio.+ 11  At sinabi ng hari kay Haman: “Ang pilak+ ay ibinibigay sa iyo, gayundin ang bayan, upang gawin sa kanila ang anumang mabuti sa iyong paningin.”+ 12  Pagkatapos ay tinawag ang mga kalihim+ ng hari nang unang buwan noong ikalabintatlong araw nito, at ang pagsulat+ ay ginawa ayon sa lahat ng iniutos ni Haman sa mga satrapa ng hari at sa mga gobernador na namamahala sa iba’t ibang mga nasasakupang distrito,+ at sa mga prinsipe ng iba’t ibang mga bayan, ng bawat nasasakupang distrito, ayon sa sarili nitong istilo ng pagsulat,+ at sa bawat bayan ayon sa sarili nitong wika; sa pangalan+ ni Haring Ahasuero ay isinulat ito at tinatakan ito ng singsing na panlagda ng hari.+ 13  At ipinadala ang mga liham sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga nasasakupang distrito ng hari,+ na lipulin, patayin at puksain ang lahat ng mga Judio, kabataang lalaki at gayundin ang matandang lalaki, ang maliliit na bata at ang mga babae, sa isang araw,+ sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, na siyang buwan ng Adar,+ at mandambong ng samsam sa kanila.+ 14  Isang kopya ng sulat na ibibigay bilang kautusan+ sa lahat ng iba’t ibang nasasakupang distrito+ ang ipinahayag sa lahat ng mga bayan, na maging handa sila para sa araw na ito. 15  Ang mga sugo ay lumabas, na nagtutumulin+ dahil sa salita ng hari, at ang kautusan ay ibinigay sa kastilyo ng Susan.+ Kung tungkol sa hari at kay Haman, sila ay umupo upang uminom;+ ngunit kung tungkol naman sa lunsod ng Susan,+ iyon ay nagkakagulo.+

Talababa