Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Efeso 6:1-24

6  Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang+ kaisa+ ng Panginoon, sapagkat ito ay matuwid:+  “Parangalan mo ang iyong ama at ang iyong ina”;+ na siyang unang utos na may pangako:+  “Upang mapabuti ka at mamalagi ka nang mahabang panahon sa lupa.”+  At kayo, mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak,+ kundi patuloy na palakihin+ sila sa disiplina+ at pangkaisipang patnubay+ ni Jehova.  Kayong mga alipin, maging masunurin kayo sa kanila na inyong mga panginoon ayon sa laman,+ na may takot at panginginig+ sa kataimtiman ng inyong mga puso, gaya ng sa Kristo,  hindi sa paraan ng pakitang-taong paglilingkod gaya ng mga nagpapalugod sa tao,+ kundi gaya ng mga alipin ni Kristo, na ginagawa nang buong kaluluwa ang kalooban ng Diyos.+  Maging mga alipin kayo na may mabubuting saloobin, gaya ng kay Jehova,+ at hindi sa mga tao,  sapagkat nalalaman ninyo na ang bawat isa, anumang mabuti ang gawin niya, ay muling tatanggap nito mula kay Jehova,+ siya man ay alipin o taong laya.+  Kayong mga panginoon, patuloy rin ninyong gawin sa kanila ang gayunding mga bagay, na nilulubayan ang pagbabanta,+ sapagkat nalalaman ninyo na ang Panginoon kapuwa nila at ninyo+ ay nasa langit, at walang pagtatangi+ sa kaniya. 10  Sa katapus-tapusan, patuloy kayong magtamo ng lakas+ sa Panginoon at sa kapangyarihan+ ng kaniyang kalakasan. 11  Isuot ninyo ang kumpletong kagayakang pandigma+ mula sa Diyos upang makatayo kayong matatag laban sa mga pakana+ ng Diyablo; 12  sapagkat tayo ay may pakikipagbuno,+ hindi laban sa dugo at laman, kundi laban sa mga pamahalaan,+ laban sa mga awtoridad,+ laban sa mga tagapamahala ng sanlibutan+ ng kadilimang ito, laban sa balakyot na mga puwersang espiritu+ sa makalangit na mga dako. 13  Dahil dito ay kunin ninyo ang kumpletong kagayakang pandigma mula sa Diyos,+ upang kayo ay makatagal sa balakyot na araw at, pagkatapos ninyong magawa nang lubusan ang lahat ng mga bagay, ay makatayong matatag.+ 14  Kaya nga, tumayo kayong matatag na ang inyong mga balakang ay may bigkis+ na katotohanan,+ at suot ang baluti ng katuwiran,+ 15  at ang inyong mga paa+ ay may suot na panyapak para sa mabuting balita ng kapayapaan.+ 16  Higit sa lahat, kunin ninyo ang malaking kalasag ng pananampalataya,+ na siyang ipanunugpo ninyo sa lahat ng nag-aapoy na mga suligi ng isa na balakyot.+ 17  Gayundin, tanggapin ninyo ang helmet+ ng kaligtasan, at ang tabak+ ng espiritu,+ samakatuwid nga, ang salita ng Diyos,+ 18  samantalang sa bawat uri ng panalangin+ at pagsusumamo ay nagpapatuloy kayo sa pananalangin sa bawat pagkakataon sa pamamagitan ng espiritu.+ At sa layuning iyan ay manatili kayong gising nang may buong katatagan at may pagsusumamo alang-alang sa lahat ng mga banal, 19  gayundin para sa akin, upang ang kakayahang magsalita+ ay maibigay sa akin sa pagbubuka ng aking bibig, na may kalayaan sa pagsasalita+ upang ipahayag ang sagradong lihim ng mabuting balita,+ 20  na ukol dito ay gumaganap ako bilang isang embahador+ na nakatanikala; upang makapagsalita ako nang may katapangan may kaugnayan dito gaya ng dapat kong salitain.+ 21  Ngayon upang malaman din ninyo ang tungkol sa aking mga gawain, kung ano na ang aking kalagayan, si Tiquico,+ isang minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ang magpapabatid sa inyo ng lahat ng bagay.+ 22  Isinusugo ko siya sa inyo para sa mismong layuning ito, upang malaman ninyo ang mga bagay na may kinalaman sa amin at upang maaliw niya ang inyong mga puso.+ 23  Ang mga kapatid ay magkaroon nawa ng kapayapaan at pag-ibig na may pananampalataya mula sa Diyos na Ama at sa Panginoong Jesu-Kristo. 24  Ang di-sana-nararapat na kabaitan+ nawa ay mapasalahat niyaong mga umiibig sa ating Panginoong Jesu-Kristo sa kawalang-kasiraan.

Talababa