Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Efeso 3:1-21

3  Dahil dito ako, si Pablo, ang bilanggo+ ni Kristo Jesus alang-alang sa inyo, na mga tao ng mga bansa+  kung tunay ngang narinig ninyo ang tungkol sa pagiging katiwala+ ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ibinigay sa akin ukol sa inyo,  na sa pamamagitan ng pagsisiwalat ay ipinaalam sa akin ang sagradong lihim,+ gaya ng isinulat ko sa maikli noong una.  Batay rito, kapag binasa ninyo ito, matatanto ninyo ang taglay kong pagkaunawa+ sa sagradong lihim+ ng Kristo.  Sa ibang mga salinlahi ang lihim+ na ito ay hindi ipinaalam sa mga anak ng mga tao gaya ng isiniwalat+ na ngayon sa kaniyang banal na mga apostol at mga propeta+ sa pamamagitan ng espiritu,  samakatuwid nga, na ang mga tao ng mga bansa ay magiging mga kasamang tagapagmana at mga kasangkap ng katawan+ at mga kabahagi natin sa pangako+ kaisa ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng mabuting balita.  Ako ay naging isang ministro+ nito ayon sa walang-bayad na kaloob ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ibinigay sa akin ayon sa paraan ng pagkilos ng kaniyang kapangyarihan.+  Sa akin, isang tao na mas mababa kaysa sa pinakamababa+ sa lahat ng mga banal, ay ibinigay ang di-sana-nararapat na kabaitang+ ito, upang maipahayag ko sa mga bansa+ ang mabuting balita tungkol sa di-maarok na kayamanan+ ng Kristo  at maipakita sa mga tao kung paanong pinangangasiwaan+ ang sagradong lihim+ na mula noong nakalipas na panahong walang takda ay nakatago sa Diyos, na lumalang ng lahat ng mga bagay.+ 10  Upang ngayon sa pamamagitan ng kongregasyon+ ay maipaalam sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad+ sa makalangit na mga dako ang malawak na pagkakasari-sari ng karunungan ng Diyos,+ 11  ayon sa walang-hanggang layunin na kaniyang binuo may kaugnayan sa Kristo,+ si Jesus na ating Panginoon, 12  na sa pamamagitan niya ay mayroon tayo nitong kalayaan sa pagsasalita at paglapit+ taglay ang pagtitiwala sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya. 13  Kaya nga hinihiling ko sa inyo na huwag manghimagod dahil sa mga kapighatian+ kong ito alang-alang sa inyo, sapagkat ang mga ito ay nangangahulugan ng kaluwalhatian para sa inyo. 14  Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod+ sa Ama,+ 15  na siyang pinagkakautangan ng pangalan+ ng bawat pamilya+ sa langit at sa lupa, 16  upang maipagkaloob niya sa inyo ayon sa kayamanan+ ng kaniyang kaluwalhatian na mapalakas ang pagkatao ninyo sa loob+ na may kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang espiritu,+ 17  upang sa pamamagitan ng inyong pananampalataya ay patahanin ang Kristo sa inyong mga puso na may pag-ibig;+ upang kayo ay mag-ugat+ at maitayo sa pundasyon,+ 18  upang lubos na maintindihan+ ninyo kasama ng lahat ng mga banal kung ano ang lapad at haba at taas at lalim,+ 19  at upang makilala ang pag-ibig ng Kristo+ na nakahihigit sa kaalaman, upang mapuspos kayo ng buong kalubusan+ na ibinibigay ng Diyos. 20  Ngayon sa isa na makagagawa ng ibayo pang higit sa lahat ng mga bagay na ating mahihingi o maiisip,+ ayon sa kaniyang kapangyarihan na kumikilos+ sa atin, 21  sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng kongregasyon at sa pamamagitan ni Kristo Jesus sa lahat ng mga salinlahi magpakailan-kailanman.+ Amen.

Talababa