Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Efeso 2:1-22

2  Karagdagan pa, kayo [ang binuhay ng Diyos] bagaman kayo ay patay sa inyong mga pagkakamali at mga kasalanan,+  na siyang nilakaran ninyo noong una ayon sa sistema+ ng mga bagay ng sanlibutang ito, ayon sa tagapamahala+ ng awtoridad ng hangin, ang espiritu+ na kumikilos ngayon sa mga anak ng pagsuway.+  Oo, sa gitna nila tayong lahat noong una ay gumawi na kasuwato ng mga pagnanasa ng ating laman,+ na ginagawa ang mga bagay na hinahangad ng laman+ at ng mga pag-iisip, at tayo ay likas na mga anak ng poot+ gaya nga ng iba.  Ngunit ang Diyos, na mayaman sa awa,+ dahil sa kaniyang dakilang pag-ibig na ipinang-ibig niya sa atin,+  ay bumuhay sa atin kasama ng Kristo, maging nang tayo ay patay sa mga pagkakamali+—sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na kabaitan ay iniligtas na kayo+  at ibinangon+ niya tayong magkakasama at pinaupo tayong magkakasama sa makalangit na mga dako+ kaisa ni Kristo Jesus,  upang sa darating+ na mga sistema ng mga bagay ay maipakita ang nakahihigit na kayamanan+ ng kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan sa kaniyang kagandahang-loob sa atin na kaisa+ ni Kristo Jesus.  Sa pamamagitan nga ng di-sana-nararapat na kabaitang ito ay iniligtas na kayo sa pamamagitan ng pananampalataya;+ at hindi ito dahil sa inyo,+ ito ay kaloob ng Diyos.+  Hindi, hindi ito dahil sa mga gawa,+ upang walang taong magkaroon ng saligan sa paghahambog.+ 10  Sapagkat tayo ay bunga ng kaniyang gawa+ at nilalang+ na kaisa+ ni Kristo Jesus ukol sa mabubuting gawa,+ na inihanda ng Diyos nang patiuna+ upang makalakad tayo sa mga ito. 11  Kaya nga lagi ninyong isaisip na kayo noong una ay mga tao ng mga bansa kung tungkol sa laman;+ tinawag kayong “di-pagtutuli” niyaong tinatawag na “pagtutuli” na ginawa sa laman ng mga kamay+ 12  na kayo nang mismong panahong iyon ay walang Kristo,+ hiwalay+ sa estado ng Israel at mga taga-ibang bayan sa mga tipan ng pangako,+ at kayo ay walang pag-asa+ at walang Diyos sa sanlibutan.+ 13  Ngunit ngayon sa pagiging kaisa ni Kristo Jesus kayo na dating malayo ay naging malapit sa pamamagitan ng dugo+ ng Kristo. 14  Sapagkat siya ang ating kapayapaan,+ siya na nagpaging-isa+ sa dalawang panig+ at gumiba sa pader+ na nasa pagitan na naghihiwalay+ sa kanila. 15  Sa pamamagitan ng kaniyang laman+ ay pinawi niya ang pag-aalitan,+ ang Kautusan ng mga utos na binubuo ng mga tuntunin,+ upang malalang niya ang dalawang bayan+ na kaisa ng kaniyang sarili bilang isang bagong tao+ at gumawa ng kapayapaan; 16  at upang lubos niyang maipagkasundo+ sa isang katawan+ sa Diyos ang dalawang bayan sa pamamagitan ng pahirapang+ tulos, sapagkat pinatay niya ang pag-aalitan+ sa pamamagitan ng kaniyang sarili. 17  At dumating siya at ipinahayag ang mabuting balita ng kapayapaan+ sa inyo, ang malalayo, at kapayapaan doon sa malalapit,+ 18  sapagkat sa pamamagitan niya tayo, ang dalawang bayan,+ ay may paglapit+ sa Ama sa pamamagitan ng isang espiritu.+ 19  Kaya nga, tiyak na hindi na kayo mga taga-ibang bayan+ at mga naninirahang dayuhan,+ kundi kayo ay mga kapuwa mamamayan+ ng mga banal+ at mga miyembro ng sambahayan+ ng Diyos, 20  at kayo ay itinayo na sa pundasyon+ ng mga apostol+ at mga propeta,+ samantalang si Kristo Jesus mismo ang pundasyong batong-panulok.+ 21  Sa pagiging kaisa niya ang buong gusali, palibhasa’y magkakasuwatong pinagbubuklod,+ ay lumalaki upang maging isang banal na templo para kay Jehova.+ 22  Sa pagiging kaisa niya+ ay itinatayo rin kayong sama-sama bilang isang dakong tatahanan ng Diyos sa espiritu.+

Talababa