Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Eclesiastes 6:1-12

6  May kapahamakan na nakita ko sa ilalim ng araw, at iyon ay malimit sa mga tao:  isang tao na binigyan ng tunay na Diyos ng kayamanan at mga materyal na pag-aari at kaluwalhatian+ at para sa kaniyang kaluluwa ay hindi siya nangangailangan ng anumang bagay na kaniyang pinananabikan,+ at gayunma’y hindi siya binibigyang-kapangyarihan ng tunay na Diyos na makakain mula rito,+ bagaman ang isang banyaga+ ay makakakain nito. Ito ay walang kabuluhan at iyon ay masamang sakit.  Kung ang isang lalaki ay magkaanak nang isang daang ulit,+ at mabuhay siya nang maraming taon, anupat maging marami ang mga araw ng kaniyang mga taon,+ gayunma’y ang kaniyang kaluluwa ay hindi nasisiyahan sa mabubuting bagay+ at maging ang libingan ay hindi naging kaniya,+ masasabi ko na ang isang ipinanganak nang kulang sa buwan ay mas mabuti pa kaysa sa kaniya.+  Sapagkat sa walang kabuluhan dumarating ang isang ito at sa kadiliman siya umaalis, at tatakpan ng kadiliman ang kaniyang pangalan.+  Maging ang araw ay hindi niya nakita, ni nalaman.+ Ang isang ito ay may kapahingahan kaysa sa nauna.+  Ipagpalagay man na nabuhay siya nang isang libong taon na makalawang ulit at gayunma’y hindi siya nagtamasa ng kabutihan,+ hindi ba sa iisang dako lamang pumaparoon ang lahat?+  Ang lahat ng pagpapagal ng mga tao ay para sa kanilang bibig,+ ngunit maging ang kanilang kaluluwa ay hindi nabubusog.  Sapagkat anong higit na kapakinabangan mayroon ang marunong kaysa sa hangal?+ Ano ang taglay ng napipighati sa pagkaalam kung paano lalakad sa harap ng mga buháy?  Mas mabuti ang pagtingin ng mga mata kaysa sa pagpapagala-gala ng kaluluwa.+ Ito rin ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin.+ 10  Anuman ang umiral, ang pangalan nito ay nabigkas na, at naging hayag na kung ano ang tao;+ at hindi niya maipagtatanggol ang kaniyang usapin sa isa na higit na makapangyarihan kaysa sa kaniya.+ 11  Yamang maraming bagay na sanhi ng malaking kawalang-kabuluhan,+ anong kapakinabangan mayroon ang isang tao? 12  Sapagkat sino ang nakaaalam kung anong kabutihan ang taglay ng isang tao sa buhay+ sa bilang ng mga araw ng kaniyang walang-kabuluhang buhay, gayong ginugugol niya ang mga ito na gaya ng isang anino?+ Sapagkat sino ang makapagsasabi sa tao kung ano ang mangyayari sa ilalim ng araw pagkatapos niya?+

Talababa