Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Eclesiastes 10:1-20

10  Mga patay na langaw ang nagpapabaho at nagpapabula sa langis ng manggagawa ng ungguento.+ Gayon ang ginagawa ng kaunting kamangmangan sa isa na pinahahalagahan dahil sa karunungan at kaluwalhatian.+  Ang puso ng marunong ay nasa kaniyang kanang kamay,+ ngunit ang puso ng hangal ay nasa kaniyang kaliwang kamay.+  At gayundin na alinmang daan ang nilalakaran ng mangmang,+ ang kaniyang puso ay nagkukulang, at sinasabi nga niya sa lahat na siya ay mangmang.+  Kung ang espiritu ng tagapamahala ay bumangon laban sa iyo, huwag mong iwan ang iyong sariling dako,+ sapagkat ang kahinahunan ay nagpapahupa ng malalaking kasalanan.+  May kapaha-pahamak na bagay na nakita ko sa ilalim ng araw, gaya ng paglabas ng pagkakamali+ dahil sa isang may kapangyarihan:+  Ang kamangmangan ay inilagay sa maraming matataas na posisyon,+ ngunit ang mayayaman ay patuloy na tumatahan sa mababang kalagayan.  Ako ay nakakita ng mga lingkod na nakakabayo ngunit may mga prinsipe na lumalakad sa lupa na parang mga lingkod.+  Siyang nagdudukal ng hukay ang siya ring mahuhulog doon;+ at siyang sumisira ng pader na bato, kakagatin siya ng serpiyente.+  Siyang tumitibag ng mga bato ay masasaktan sa mga iyon. Siyang sumisibak ng mga kahoy ay kailangang magpakaingat sa mga iyon.+ 10  Kapag ang kasangkapang bakal ay pumurol at hindi hinasa ng isa ang talim nito,+ gagamitin nga niya ang kaniyang sariling kalakasan. Kaya ang paggamit ng karunungan sa ikapagtatagumpay ay nagdudulot ng kapakinabangan.+ 11  Kung ang serpiyente ay mangagat kapag hindi pa nagkakabisa ang engkanto,+ wala ngang kapakinabangan yaong gumagamit ng dila. 12  Ang mga salita ng bibig ng marunong ay nagdudulot ng lingap,+ ngunit ang mga labi ng hangal ay lumalamon sa kaniya.+ 13  Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan,+ at ang huling wakas ng kaniyang bibig ay kapaha-pahamak na kabaliwan. 14  At ang mangmang ay nagsasabi ng maraming salita.+ Hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; at ang mangyayari pagkatapos niya, sino ang makapagsasabi sa kaniya?+ 15  Ang pagpapagal ng mga hangal ay nakapanghihimagod+ sa kanila, sapagkat walang isa man ang nakaaalam kung paano ang pagparoon sa lunsod.+ 16  Paano ka na, O lupain, kapag ang iyong hari ay isang bata+ at ang iyong mga prinsipe ay palaging kumakain kahit sa umaga? 17  Maligaya ka, O lupain, kapag ang iyong hari ay anak ng mga taong mahal at ang iyong mga prinsipe ay kumakain sa tamang panahon upang lumakas, hindi upang mag-inuman lamang.+ 18  Dahil sa matinding katamaran ay lumulundo ang biga, at dahil sa pagbababa ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.+ 19  Ang tinapay ay para sa pagtawa ng mga manggagawa, at ang alak ay nagpapasaya ng buhay;+ ngunit salapi ang siyang nakatutugon sa lahat ng bagay.+ 20  Maging sa iyong silid-tulugan ay huwag mong sumpain ang hari,+ at sa mga loobang silid na hinihigaan mo ay huwag mong sumpain ang sinumang mayaman;+ sapagkat isang lumilipad na nilalang sa langit ang maghahatid sa tinig at isang bagay na may mga pakpak ang maghahayag ng bagay na iyon.+

Talababa