Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Eclesiastes 1:1-18

1  Ang mga salita ng tagapagtipon,+ na anak ni David na hari sa Jerusalem.+  “Kaylaking kawalang-kabuluhan!”+ ang sabi ng tagapagtipon, “kaylaking kawalang-kabuluhan! Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan!”+  Ano ang pakinabang ng isang tao sa lahat ng kaniyang pagpapagal na pinagpapagalan+ niya sa ilalim ng araw?+  Isang salinlahi ang yumayaon,+ at isang salinlahi ang dumarating;+ ngunit ang lupa ay nananatili maging hanggang sa panahong walang takda.+  At ang araw rin ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog,+ at dumarating itong humihingal sa dakong sinisikatan nito.+  Ang hangin ay yumayaon patungo sa timog, at umiikot ito patungo sa hilaga.+ Ligid ito nang ligid sa patuloy na pag-ikot,+ at sa mismong mga pag-ikot+ nito ay bumabalik ang hangin.  Ang lahat ng agusang-taglamig+ ay humuhugos sa dagat,+ gayunma’y hindi napupuno ang dagat.+ Sa dakong hinuhugusan ng mga agusang-taglamig, doon bumabalik ang mga iyon upang humugos.+  Ang lahat ng bagay ay nakapanghihimagod;+ hindi ito kayang saysayin ng sinuman. Ang mata ay hindi nasisiyahan sa pagtingin,+ ni ang tainga man ay napupuno sa pakikinig.+  Yaong nangyari na, iyon ang mangyayari;+ at yaong nagawa na, iyon ang gagawin; kaya walang anumang bago sa ilalim ng araw.+ 10  May umiiral bang anumang bagay na tungkol doon ay may makapagsasabi: “Tingnan mo ito; ito ay bago”? Umiral na iyon sa loob ng panahong walang takda;+ yaong umiiral ay mula nang panahong una pa sa atin.+ 11  Walang alaala sa mga tao ng mga panahong nagdaan, ni magkakaroon man sa kanila na darating sa dakong huli.+ Hindi magkakaroon ng alaala maging sa kanila sa gitna niyaong mga darating sa dakong mas huli pa.+ 12  Ako, na tagapagtipon, ay hari noon ng Israel sa Jerusalem.+ 13  At itinalaga ko ang aking puso na hanapin at saliksikin ang karunungan+ may kaugnayan sa lahat ng bagay na nagawa na sa silong ng langit—ang kapaha-pahamak na kaabalahan na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng sangkatauhan upang pagkaabalahan.+ 14  Nakita ko ang lahat ng gawa na ginawa sa ilalim ng araw,+ at, narito! ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin.+ 15  Yaong ginawang baluktot ay hindi maitutuwid,+ at yaong kulang ay talagang hindi mabibilang. 16  Ako nga ay nagsalita sa aking puso,+ na sinasabi: “Narito! Ako ay lubhang lumago sa karunungan nang higit kaysa kaninumang nauna sa akin sa Jerusalem,+ at ang aking puso ay nakakita ng napakaraming karunungan at kaalaman.”+ 17  At iniukol ko ang aking puso na makaalam ng karunungan at makaalam ng kabaliwan,+ at napag-alaman ko ang kahibangan,+ na ito rin ay paghahabol sa hangin.+ 18  Sapagkat sa saganang karunungan ay may saganang kaligaligan,+ anupat siya na nagpaparami ng kaalaman ay nagpaparami ng kirot.+

Talababa