Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Deuteronomio 8:1-20

8  “Ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo ngayon ay maingat ninyong tuparin,+ upang kayo ay patuloy na mabuhay+ at dumami nga at makapasok at ariin ang lupain na isinumpa ni Jehova sa inyong mga ninuno.+  At alalahanin mo ang buong lakad na pinalakaran sa iyo ni Jehova na iyong Diyos nitong apatnapung taon sa ilang,+ sa layuning pagpakumbabain ka,+ na ilagay ka sa pagsubok+ upang malaman kung ano ang nasa iyong puso,+ kung tutuparin mo ang kaniyang mga utos o hindi.  Sa gayon ay pinagpakumbaba ka niya at pinabayaan ka niyang magutom+ at pinakain ka niya ng manna,+ na hindi mo nakilala ni nakilala man ng iyong mga ama; upang ipakilala sa iyo na hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao kundi sa bawat pananalita sa bibig ni Jehova ay nabubuhay ang tao.+  Ang iyong balabal ay hindi naluma sa iyo, ni namaga man ang iyong paa nitong apatnapung taon.+  At nalalaman mong lubos sa iyong sariling puso na kung paanong itinutuwid ng isang tao ang kaniyang anak, gayon ka itinutuwid ni Jehova na iyong Diyos.+  “At tuparin mo ang mga utos ni Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga daan+ at sa pamamagitan ng pagkatakot sa kaniya.+  Sapagkat dinadala ka ni Jehova na iyong Diyos sa isang mabuting lupain,+ isang lupain ng mga libis na inaagusan ng tubig, mga bukal at matubig na mga kalaliman na bumubukal sa kapatagang libis+ at sa bulubunduking pook,  isang lupain ng trigo at sebada at mga punong ubas at mga igos at mga granada,+ isang lupain ng malalangis na olibo at pulot-pukyutan,+  isang lupain na doon ay hindi ka kakain ng tinapay na may kakapusan, na doon ay hindi ka kukulangin ng anuman, isang lupain na ang mga bato ay bakal at mula sa mga bundok niyaon ay magmimina ka ng tanso. 10  “Kapag ikaw ay nakakain na at nabusog,+ pagpalain+ mo naman si Jehova na iyong Diyos dahil sa mabuting lupain na ibinigay niya sa iyo.+ 11  Mag-ingat ka upang hindi mo makalimutan+ si Jehova na iyong Diyos anupat hindi mo matupad ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga hudisyal na pasiya at ang kaniyang mga batas na iniuutos ko sa iyo ngayon;+ 12  dahil baka kumain ka at mabusog nga, at magtayo ka ng mabubuting bahay at manahanan nga sa mga iyon,+ 13  at ang iyong bakahan at ang iyong kawan ay dumami, at ang pilak at ang ginto ay dumami para sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay dumami; 14  at ang iyong puso ay magmataas nga+ at makalimutan mo nga si Jehova na iyong Diyos, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng mga alipin;+ 15  na pumatnubay sa iyo sa malaki at kakila-kilabot na ilang,+ na may makamandag na mga serpiyente+ at mga alakdan at may uháw na lupa na walang tubig; na nagpabukal ng tubig para sa iyo mula sa batong pingkian;+ 16  na nagpakain sa iyo ng manna+ sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga ama, sa layuning pagpakumbabain ka+ at sa layuning ilagay ka sa pagsubok upang ikaw ay mapabuti sa iyong wakas;+ 17  at masabi mo sa iyong puso, ‘Ang aking sariling kapangyarihan at ang buong kalakasan ng aking sariling kamay ang gumawa ng yamang ito para sa akin.’+ 18  At alalahanin mo si Jehova na iyong Diyos, sapagkat siya ang tagapagbigay ng kapangyarihan sa iyo upang gumawa ng yaman;+ sa layuning tuparin ang kaniyang tipan na isinumpa niya sa iyong mga ninuno, gaya ng sa araw na ito.+ 19  “At mangyayari nga na kung sa paanuman ay makalimutan mo si Jehova na iyong Diyos at sumunod ka nga sa ibang mga diyos at paglingkuran mo at yukuran ang mga iyon, ako ay nagpapatotoo laban sa inyo ngayon na lubos kayong malilipol.+ 20  Tulad ng mga bansa na pinupuksa ni Jehova mula sa harap ninyo, ganiyan kayo malilipol, sapagkat hindi kayo makikinig sa tinig ni Jehova na inyong Diyos.+

Talababa