Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Deuteronomio 32:1-52

32  “Makinig kayo, O mga langit, at magsasalita ako; At pakinggan ng lupa ang mga pananalita ng aking bibig.+   Ang aking turo ay papatak na gaya ng ulan,+ Ang aking pananalita ay tutulo na gaya ng hamog,+ Gaya ng ambon sa damo+ At gaya ng saganang ulan sa pananim.+   Sapagkat ipahahayag ko ang pangalan ni Jehova.+ Iukol ninyo ang kadakilaan sa ating Diyos!+   Ang Bato, sakdal ang kaniyang gawa,+ Sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan.+ Isang Diyos ng katapatan,+ na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan;+ Matuwid at matapat siya.+   Sila ay gumawi nang kapaha-pahamak sa ganang kanila;+ Sila ay hindi niya mga anak, ang kapintasan ay kanila.+ Isang salinlahing liko at pilipit!+   Kay Jehova ba kayo patuloy na gumagawa ng ganito,+ O bayan na hangal at hindi marunong?+ Hindi ba siya ang iyong Ama na lumikha sa iyo,+ Siya na lumalang sa iyo at nagtatag sa iyo?+   Alalahanin mo ang mga araw noong sinauna,+ Pag-isipan ninyo ang mga taon ng nagdaang sali’t salinlahi; Tanungin mo ang iyong ama, at maisasaysay niya sa iyo;+ Ang iyong matatandang lalaki, at masasabi nila iyon sa iyo.+   Nang ang Kataas-taasan ay magbigay ng mana sa mga bansa,+ Nang paghiwa-hiwalayin niya ang mga anak ni Adan,+ Itinatag niya ang hangganan ng mga bayan+ Na isinasaalang-alang ang bilang ng mga anak ni Israel.+   Sapagkat ang bahagi ni Jehova ay ang kaniyang bayan;+ Si Jacob ang takdang bahagi na kaniyang mana.+ 10  Nasumpungan niya siya sa isang lupaing ilang,+ At sa isang tiwangwang at umaalulong na disyerto.+ Pinasimulan niya siyang palibutan,+ upang alagaan siya,+ Upang ingatan siya na gaya ng balintataw ng kaniyang mata.+ 11  Gaya ng isang agila na gumagalaw ng kaniyang pugad, Umaali-aligid sa kaniyang mga inakáy,+ Nag-uunat ng kaniyang mga pakpak, kumukuha sa kanila, Nagdadala sa kanila sa kaniyang mga bagwis,+ 12  Si Jehova lamang ang pumatnubay sa kaniya,+ At wala siyang kasamang banyagang diyos.+ 13  Pinasakay niya siya sa matataas na dako sa lupa,+ Anupat kinain niya ang bunga ng parang.+ At pinasisipsip niya siya ng pulot-pukyutan mula sa malaking bato,+ At ng langis mula sa batong pingkian;+ 14  Mantikilya ng bakahan at gatas ng kawan+ Kasama ang taba ng mga barakong tupa, At mga lalaking tupa, ang lahi ng Basan, at mga kambing na lalaki+ Kasama ang taba ng bato ng trigo;+ At ang dugo ng ubas ay ininom mo bilang alak.+ 15  Nang si Jesurun+ ay magsimulang tumaba, nang magkagayon ay sumipa siya.+ Ikaw ay tumaba, ikaw ay lumapad, ikaw ay nabundat.+ Sa gayon ay iniwan niya ang Diyos, na lumalang sa kaniya,+ At hinamak ang Bato+ ng kaniyang kaligtasan. 16  Pinasimulan nilang pukawin siya sa paninibugho+ sa pamamagitan ng kakaibang mga diyos;+ Sa pamamagitan ng mga karima-rimarim na bagay ay patuloy nila siyang ginalit.+ 17  Naghain sila sa mga demonyo, hindi sa Diyos,+ Mga diyos na hindi nila kilala,+ Mga bago na kamakailan lamang dumating,+ Na sa mga iyon ay walang kabatiran ang inyong mga ninuno. 18  Ang Bato na naging iyong ama ay nilimot mo,+ At pinasimulan mong alisin sa alaala ang Diyos, ang Isa na nagluluwal sa iyo nang may mga kirot ng panganganak.+ 19  Nang makita iyon ni Jehova, nang magkagayon ay winalang-galang niya sila,+ Dahil sa pagkayamot na idinulot ng kaniyang mga anak na lalaki at ng kaniyang mga anak na babae. 20  Kaya sinabi niya, ‘Ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila,+ Titingnan ko kung ano ang magiging huling wakas nila. Sapagkat sila ay isang salinlahi ng katiwalian,+ Mga anak na walang katapatan.+ 21  Sila, sa ganang kanila, ay pumukaw sa akin sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi naman diyos;+ Niligalig nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga walang-kabuluhang idolo;+ At ako, sa ganang akin, ay pupukaw sa kanila sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bayan;+ Sa pamamagitan ng isang hangal na bansa ay gagalitin ko sila.+ 22  Sapagkat isang apoy ang nagliyab sa aking galit+ At magniningas ito hanggang sa Sheol, na pinakamababang dako,+ At tutupukin nito ang lupa at ang bunga nito+ At palalagablabin ang mga pundasyon ng mga bundok.+ 23  Pararamihin ko ang mga kapahamakan sa kanila;+ Ang aking mga palaso ay gagamitin ko sa kanila.+ 24  Manlulupaypay sila sa gutom+ at lalamunin ng nag-aapoy na lagnat+ At ng mapait na pagkapuksa.+ At ang mga ngipin ng mga hayop ay isusugo ko sa kanila,+ Kasama ang kamandag ng mga reptilya sa alabok.+ 25  Sa labas ay uulilahin sila ng isang tabak,+ At sa loob ng bahay ay pagkatakot,+ Ng kapuwa binata at dalaga,+ Ng pasusuhin pati ng lalaking may uban.+ 26  Sinabi ko sana: “Pangangalatin ko sila,+ Patitigilin ko ang pagbanggit sa kanila mula sa mga taong mortal,”+ 27  Kung hindi lamang ako natatakot sa kaligaligan mula sa kaaway,+ Na baka mapagkamalian iyon ng kanilang mga kalaban,+ Na baka sabihin nila: “Ang ating kamay ay nanaig,+ At hindi si Jehova ang nagsagawa ng lahat ng ito.”+ 28  Sapagkat sila ay isang bansa na sa kanila ay naglalaho ang payo,+ At sa gitna nila ay walang unawa.+ 29  O kung sana ay marunong sila!+ Kung gayon ay magmumuni-muni sila tungkol dito.+ Pag-iisipan nila ang kanilang huling wakas.+ 30  Paano matutugis ng isa ang isang libo, At maitataboy ng dalawa ang sampung libo?+ Malibang ipinagbili sila ng kanilang Bato+ At isinuko sila ni Jehova. 31  Sapagkat ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato,+ Kahit ang ating mga kaaway man ang magpasiya.+ 32  Sapagkat ang kanilang punong ubas ay mula sa punong ubas ng Sodoma At mula sa hagdan-hagdang lupain ng Gomorra.+ Ang kanilang mga ubas ay mga ubas na lason, Ang kanilang mga kumpol ay mapapait.+ 33  Ang kanilang alak ay ang kamandag ng malalaking ahas At ang malupit na lason ng mga kobra.+ 34  Hindi ba iyon nakatago sa akin, Na nalalakipan ng tatak sa aking imbakan?+ 35  Akin ang paghihiganti, at ang kagantihan.+ Sa takdang panahon ay susuray-suray ang kanilang paa,+ Sapagkat ang araw ng kanilang kasakunaan ay malapit na,+ At ang mga kaganapang nakahanda para sa kanila ay nagmamadali nga.’+ 36  Sapagkat hahatulan ni Jehova ang kaniyang bayan+ At ikalulungkot niya ang tungkol sa kaniyang mga lingkod,+ Sapagkat makikita niya na ang suhay ay nawala At ang naroon lamang ay yaong mahina at walang-kabuluhan. 37  At tiyak na sasabihin niya, ‘Nasaan ang kanilang mga diyos,+ Ang bato na kanilang pinanganlungan,+ 38  Na noon ay kumakain ng taba ng kanilang mga hain,+ Umiinom ng alak ng kanilang mga handog na inumin?+ Tumindig sila at tulungan nila kayo.+ Maging kublihang dako sila para sa inyo.+ 39  Tingnan ninyo ngayon na ako—ako nga siya+ At walang mga diyos na kasama ko.+ Ako ay pumapatay, at ako ay bumubuhay.+ Ako ay nanunugat nang malubha,+ at ako—ako ay magpapagaling,+ At walang sinuman ang makaaagaw mula sa aking kamay.+ 40  Sapagkat itinataas ko ang aking kamay sa langit sa panunumpa,+ At sinasabi ko: “Buháy ako hanggang sa panahong walang takda,”+ 41  Kung patatalasin ko nga ang aking kumikinang na tabak,+ At ang aking kamay ay hahawak sa kahatulan,+ Ako ay magsasagawa ng paghihiganti sa aking mga kalaban+ At maglalapat ng kagantihan doon sa mga masidhing napopoot sa akin.+ 42  Lalanguin ko sa dugo ang aking mga palaso,+ Samantalang kakain ng laman ang aking tabak,+ Sa dugo ng napatay at ng mga bihag, Sa mga ulo ng mga lider ng kaaway.’+ 43  Matuwa kayo, kayong mga bansa, kasama ng kaniyang bayan,+ Sapagkat ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod,+ At siya ay magsasagawa ng paghihiganti sa kaniyang mga kalaban+ At magbabayad-sala nga para sa lupa ng kaniyang bayan.” 44  Sa gayon ay pumaroon si Moises at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pandinig ng bayan,+ siya at si Hosea na anak ni Nun.+ 45  Pagkatapos na salitain ni Moises ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel, 46  sinabi niya sa kanila: “Ituon ninyo ang inyong mga puso sa lahat ng mga salita na sinasalita ko bilang babala sa inyo ngayon,+ upang mautusan ninyo ang inyong mga anak na maingat na isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.+ 47  Sapagkat hindi ito walang-kabuluhang salita para sa inyo,+ kundi nangangahulugan ito ng inyong buhay,+ at sa pamamagitan ng salitang ito ay mapahahaba ninyo ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupa na tatawirin ninyo sa Jordan upang ariin.”+ 48  At nagsalita si Jehova kay Moises nang araw ring ito, na sinasabi: 49  “Umahon ka sa bundok na ito ng Abarim,+ sa Bundok Nebo,+ na nasa lupain ng Moab, na nakaharap sa Jerico, at tingnan mo ang lupain ng Canaan, na ibinibigay ko sa mga anak ni Israel bilang pag-aari.+ 50  Pagkatapos ay mamatay ka roon sa bundok na aahunin mo, at mapisan ka sa iyong bayan,+ gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa Bundok Hor+ at napisan sa kaniyang bayan; 51  sa dahilang naging masuwayin kayo sa akin+ sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba+ ng Kades sa ilang ng Zin; sa dahilang hindi ninyo ako pinabanal sa gitna ng mga anak ni Israel.+ 52  Sapagkat mula sa malayo ay makikita mo ang lupain, ngunit hindi ka makapapasok doon sa lupain na ibinibigay ko sa mga anak ni Israel.”+

Talababa