Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Deuteronomio 3:1-29

3  “Nang magkagayon ay pumihit tayo at umahon sa daan ng Basan. Dahil dito ay lumabas si Og+ na hari ng Basan, siya at ang kaniyang buong bayan, upang salubungin tayo sa pagbabaka sa Edrei.+  Kaya sinabi sa akin ni Jehova, ‘Huwag kang matakot sa kaniya,+ sapagkat tiyak na ibibigay ko siya at ang kaniyang buong bayan at ang kaniyang lupain sa iyong kamay; at gawin mo sa kaniya ang gaya ng ginawa mo kay Sihon+ na hari ng mga Amorita, na tumatahan sa Hesbon.’  Sa gayon ay ibinigay rin sa ating kamay ni Jehova na ating Diyos si Og na hari ng Basan at ang kaniyang buong bayan, at sinaktan natin siya hanggang sa wala nang natirang buháy sa kaniya.+  At binihag natin ang lahat ng kaniyang mga lunsod nang mismong panahong iyon. Walang bayan ang hindi natin kinuha sa kanila, animnapung lunsod,+ ang buong pook ng Argob,+ na kaharian ni Og sa Basan.+  Ang lahat ng ito ay mga lunsod na nakukutaan ng mataas na pader, mga pinto at halang, bukod pa sa napakaraming bayan sa kabukiran.  Gayunman, itinalaga natin ang mga iyon sa pagkapuksa,+ gaya ng ginawa natin kay Sihon na hari ng Hesbon, sa pagtatalaga sa bawat lunsod sa pagkapuksa, mga lalaki, mga babae at maliliit na bata.+  At ang lahat ng mga alagang hayop at ang samsam sa mga lunsod ay dinambong natin para sa ating sarili.+  “At kinuha natin nang mismong panahong iyon ang lupain mula sa kamay ng dalawang hari ng mga Amorita+ na nasa pook ng Jordan, mula sa agusang libis ng Arnon+ hanggang sa Bundok Hermon;+  (Sirion+ ang itinawag ng mga Sidonio sa Hermon, at Senir+ naman ang itinawag doon ng mga Amorita,) 10  ang lahat ng mga lunsod ng talampas at ang buong Gilead at ang buong Basan hanggang sa Saleca+ at sa Edrei,+ na mga lunsod ng kaharian ni Og sa Basan. 11  Sapagkat si Og lamang na hari ng Basan ang nalabi sa natira sa mga Repaim.+ Narito! Ang kaniyang langkayan ay isang langkayang bakal. Hindi ba ito ay nasa Raba+ ng mga anak ni Ammon? Siyam na siko ang haba nito, at apat na siko ang lapad nito, ayon sa siko ng isang lalaki. 12  At inari natin ang lupaing ito nang mismong panahong iyon; ang mula sa Aroer,+ na nasa tabi ng agusang libis ng Arnon, at ang kalahati ng bulubunduking pook ng Gilead, at ang mga lunsod nito ay ibinigay ko sa mga Rubenita at sa mga Gadita.+ 13  At ang natira sa Gilead+ at ang buong Basan+ ng kaharian ni Og ay ibinigay ko sa kalahati ng tribo ni Manases. Ang buong pook ng Argob+ ng buong Basan, hindi ba ito tinatawag na lupain ng mga Repaim?+ 14  “Kinuha ni Jair+ na anak ni Manases ang buong pook ng Argob+ hanggang sa hangganan ng mga Gesurita+ at ng mga Maacateo,+ at ang mga nayong iyon ng Basan ay tinawag niya ayon sa kaniyang sariling pangalan, Havot-jair,+ hanggang sa araw na ito. 15  At kay Makir+ ay ibinigay ko ang Gilead.+ 16  At sa mga Rubenita+ at sa mga Gadita ay ibinigay ko ang mula sa Gilead+ hanggang sa agusang libis ng Arnon, na ang gitna ng agusang libis ay isang hangganan, at hanggang sa Jabok, ang agusang libis na siyang hangganan ng mga anak ni Ammon;+ 17  at ang Araba at ang Jordan at ang hanggahan, mula sa Kineret+ hanggang sa dagat ng Araba, na Dagat Asin,+ sa paanan ng mga dalisdis ng Pisga+ sa dakong sikatan ng araw. 18  “Kaya inutusan ko kayo nang mismong panahong iyon, na sinasabi, ‘Ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos ang lupaing ito upang ariin. Tatawid kayo, na nasasakbatan, sa harap ng inyong mga kapatid, na mga anak ni Israel, lahat ng magigiting na lalaki.+ 19  Tanging ang inyong mga asawa at ang inyong maliliit na bata at ang inyong mga alagang hayop (nalalaman ko nga na mayroon kayong napakaraming alagang hayop) ang patuloy na mananahanan sa inyong mga lunsod na ibinigay ko sa inyo,+ 20  hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at magawa na rin nilang ariin ang lupain na ibinibigay sa kanila ni Jehova na inyong Diyos sa kabila ng Jordan; pagkatapos ay bumalik kayo, bawat isa sa kaniyang ari-arian na ibinigay ko sa inyo.’+ 21  “At inutusan ko si Josue+ nang mismong panahong iyon, na sinasabi, ‘Nakikita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ni Jehova na inyong Diyos sa dalawang haring ito. Gayundin ang gagawin ni Jehova sa lahat ng mga kaharian na tatawirin mo roon.+ 22  Huwag kayong matatakot sa kanila, sapagkat si Jehova na inyong Diyos ang Siyang makikipaglaban para sa inyo.’+ 23  “At namanhik ako kay Jehova nang mismong panahong iyon, na sinasabi, 24  ‘O Soberanong Panginoong Jehova, pinasimulan mo mismong ipakita sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan+ at ang iyong malakas na bisig,+ sapagkat sinong diyos sa langit o sa lupa ang gumagawa ng mga gawang tulad ng sa iyo at ng mga makapangyarihang gawa na tulad ng sa iyo?+ 25  Hayaan mong tumawid ako, pakisuyo, at makita ko ang mabuting lupain+ na nasa kabila ng Jordan, ang mabuting bulubunduking pook+ na ito at ang Lebanon.’+ 26  At si Jehova ay patuloy na napoot laban sa akin dahil sa inyo+ at hindi nakinig sa akin; ngunit sinabi sa akin ni Jehova, ‘Tama ka na! Huwag ka nang magsalita sa akin tungkol sa bagay na ito. 27  Umahon ka sa taluktok ng Pisga+ at itingin mo ang iyong mga mata sa kanluran at sa hilaga at sa timog at sa silangan at tingnan mo ng iyong mga mata, sapagkat hindi ka tatawid sa Jordang ito.+ 28  At atasan+ mo si Josue at patibayin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya, sapagkat siya ang tatawid+ sa unahan ng bayang ito at siya ang magpapangyaring manahin nila ang lupain na makikita mo.’+ 29  Noon ay nananahanan tayo sa libis sa tapat ng Bet-peor.+

Talababa