Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Deuteronomio 25:1-19

25  “Kung may bumangong pagtatalo sa pagitan ng mga tao,+ at humarap sila para sa paghatol,+ sila ay hahatol nga sa kanila at aariing matuwid ang matuwid at aariing balakyot ang balakyot.+  At mangyayari nga na kung ang balakyot ay nararapat paluin,+ padadapain nga siya ng hukom at ipahahampas+ siya sa harap niya ayon sa bilang na katugma ng kaniyang balakyot na gawa.  Mapapalo niya siya ng apatnapung hampas. Huwag niyang daragdagan, dahil baka ipagpatuloy niyang paluin siya ng maraming hampas bilang karagdagan sa mga ito+ at ang iyong kapatid ay madusta nga sa iyong paningin.  “Huwag mong bubusalan ang toro habang ito ay gumigiik.+  “Kung ang magkapatid na lalaki ay manahanang magkasama at ang isa sa kanila ay mamatay na walang anak, ang asawa ng namatay ay hindi dapat mapunta sa ibang lalaki sa labas. Ang kaniyang bayaw ay dapat pumaroon sa kaniya, at kukunin siya nito bilang asawa at tutuparin sa kaniya ang pag-aasawa bilang bayaw.+  At mangyayari nga na ang panganay na ipanganganak niya ay dapat humalili sa pangalan ng kapatid nitong namatay,+ upang ang kaniyang pangalan ay hindi mapawi sa Israel.+  “At kung ang lalaki ay hindi nalulugod na kunin ang balo ng kaniyang kapatid, ang balo ng kaniyang kapatid ay aahon nga sa pintuang-daan sa matatandang lalaki+ at magsasabi, ‘Ang kapatid ng aking asawa ay tumangging panatilihin ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel. Hindi siya pumayag na tuparin sa akin ang pag-aasawa bilang bayaw.’  At tatawagin siya ng matatandang lalaki ng kaniyang lunsod at kakausapin siya, at titindig siya at magsasabi, ‘Hindi ako nalulugod na kunin siya.’+  Dahil dito ang balo ng kaniyang kapatid ay lalapit sa kaniya sa paningin ng matatandang lalaki at huhubarin nito ang kaniyang sandalyas sa kaniyang paa+ at duduraan siya nito sa mukha+ at sasagot ito at magsasabi, ‘Ganiyan ang dapat gawin sa lalaki na ayaw magtayo sa sambahayan ng kaniyang kapatid.’+ 10  At ang kaniyang pangalan ay tatawagin sa Israel na ‘Ang bahay niyaong hinubaran ng kaniyang sandalyas.’ 11  “Kung mag-away ang mga lalaki, at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa mula sa kamay niyaong nananakit sa kaniya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at sinunggaban niya siya sa kaniyang mga pribadong sangkap,+ 12  puputulin mo nga ang kaniyang kamay. Ang iyong mata ay huwag mahahabag.+ 13  “Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng dalawang uri ng panimbang,+ isang malaki at isang maliit. 14  Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng dalawang uri ng epa,+ isang malaki at isang maliit. 15  Isang panimbang na husto at tapat ang lagi mong tataglayin. Isang epa na husto at tapat ang lagi mong tataglayin, upang ang iyong mga araw ay tumagal sa lupa na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+ 16  Sapagkat ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na ito, ang bawat gumagawa ng kawalang-katarungan, ay karima-rimarim kay Jehova na iyong Diyos.+ 17  “Dapat alalahanin ang ginawa ng Amalek sa iyo sa daan noong papalabas kayo mula sa Ehipto,+ 18  kung paanong sinalubong ka niya sa daan at sinaktan sa hulihan mo ang lahat niyaong mga naiiwan sa likuran mo, habang ikaw ay lupaypay at nanghihimagod; at hindi siya natakot sa Diyos.+ 19  At mangyayari nga na kapag binigyan ka ni Jehova na iyong Diyos ng kapahingahan mula sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot sa lupain na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana upang ariin,+ papawiin mo ang pagbanggit sa Amalek mula sa silong ng langit.+ Huwag mong kalilimutan.

Talababa