Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Deuteronomio 17:1-20

17  “Huwag kang maghahain kay Jehova na iyong Diyos ng isang toro o isang tupa na may kapintasan, anumang masama; sapagkat iyon ay isang bagay na karima-rimarim kay Jehova na iyong Diyos.+  “Kung masumpungan sa gitna mo sa isa sa iyong mga lunsod na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos ang isang lalaki o isang babae na nagsasagawa ng masama sa paningin ni Jehova na iyong Diyos anupat nilalabag ang kaniyang tipan,+  at humayo siya at sumamba sa ibang mga diyos at yumukod sa mga iyon o sa araw o sa buwan o sa buong hukbo ng langit,+ isang bagay na hindi ko iniutos,+  at nasabi ito sa iyo at narinig mo ito at nagsiyasat ka nang lubusan, at, narito! ang bagay na ito ay natatag bilang katotohanan,+ ang karima-rimarim na bagay na ito ay ginawa sa Israel!  ilalabas mo nga ang lalaking iyon o ang babaing iyon na gumawa ng masamang bagay na ito sa iyong mga pintuang-daan, oo, ang lalaki o ang babae, at babatuhin mo ng mga bato ang gayong tao, at ang gayong tao ay dapat mamatay.+  Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlong saksi+ ay dapat patayin yaong mamamatay. Hindi siya papatayin sa bibig ng iisang saksi.+  Ang kamay ng mga saksi ang mangunguna laban sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan;+ at aalisin mo ang kasamaan sa gitna mo.+  “Kung ang isang bagay ukol sa hudisyal na pasiya ay maging lubhang pambihira para sa iyo,+ isa na may kinalaman sa dugong nabubo,+ na may pag-aangkin sa batas na ibinangon,+ o isang marahas na gawa ang isinagawa, mga bagay na pinagtatalunan,+ sa loob ng iyong mga pintuang-daan, tumindig ka nga at umahon sa dakong pipiliin ni Jehova na iyong Diyos,+  at pumaroon ka sa mga saserdote,+ na mga Levita, at sa hukom+ na naglilingkod sa mga araw na iyon, at sumangguni ka, at ibibigay nila sa iyo ang salita ng hudisyal na pasiya.+ 10  Kung magkagayon ay gawin mo ang ayon sa salita na ibibigay nila sa iyo mula sa dakong iyon na pipiliin ni Jehova; at maingat mong isagawa ang ayon sa lahat ng ituturo nila sa iyo. 11  Gawin mo ang ayon sa kautusan na itatagubilin nila sa iyo, at ang ayon sa hudisyal na pasiya na sasabihin nila sa iyo.+ Huwag kang lumihis mula sa salita na ibibigay nila sa iyo, sa kanan o sa kaliwa.+ 12  At ang taong gagawi nang may kapangahasan na hindi makikinig sa saserdote na nakatayo upang maglingkod doon kay Jehova na iyong Diyos o sa hukom,+ ang taong iyon ay dapat mamatay;+ at aalisin mo ang kasamaan sa Israel.+ 13  At maririnig ng buong bayan at matatakot,+ at hindi na sila kikilos pa nang may kapangahasan. 14  “Kapag sa dakong huli ay nakarating ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, at nagawa mo nang ariin iyon at nanahanan ka na roon,+ at sinabi mo, ‘Magtatalaga ako ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansa na nasa palibot ko’;+ 15  dapat mong italaga sa iyo nang walang pagsala ang isang hari na pipiliin ni Jehova na iyong Diyos.+ Mula sa iyong mga kapatid ay dapat kang magtalaga ng isang hari sa iyo. Hindi ka pahihintulutang maglagay sa iyo ng isang banyaga na hindi mo kapatid. 16  Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo para sa kaniyang sarili,+ ni pababalikin man niya sa Ehipto ang bayan upang magparami ng mga kabayo;+ sapagkat sinabi sa inyo ni Jehova, ‘Huwag na kayong babalik pang muli sa daang ito.’ 17  Huwag din siyang magpaparami ng mga asawa para sa kaniyang sarili, upang ang kaniyang puso ay hindi malihis;+ ni magpaparami man siyang lubha ng pilak at ginto para sa kaniyang sarili.+ 18  At mangyayari nga na kapag umupo siya sa trono ng kaniyang kaharian, isusulat niya sa isang aklat para sa kaniyang sarili ang isang kopya ng kautusang ito mula roon sa nasa pangangasiwa ng mga saserdote, na mga Levita.+ 19  “At mananatili iyon sa kaniya, at babasahin niya iyon sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay,+ upang matuto siyang matakot kay Jehova na kaniyang Diyos nang sa gayon ay maingatan niya ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ang mga tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga iyon;+ 20  upang ang kaniyang puso ay hindi magmataas sa kaniyang mga kapatid+ at upang hindi siya lumihis mula sa utos sa kanan o sa kaliwa,+ upang mapahaba niya ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian,+ siya at ang kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.

Talababa