Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Deuteronomio 14:1-29

14  “Mga anak kayo ni Jehova na inyong Diyos.+ Huwag kayong maghihiwa+ sa inyong sarili o magpapakalbo+ ng inyong mga noo dahil sa isang taong patay.  Sapagkat ikaw ay isang banal na bayan+ kay Jehova na iyong Diyos, at pinili ka ni Jehova upang maging kaniyang bayan, isang pantanging pag-aari,+ mula sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng lupa.  “Huwag kang kakain ng anumang uri ng karima-rimarim na bagay.+  Ito ang uri ng hayop na makakain ninyo:+ ang toro, ang tupa at ang kambing,  ang lalaking usa at ang gasela at ang maliit na usa+ at ang mailap na kambing at ang antilope at ang mailap na tupa at ang gamusa;  at bawat hayop na may hati ang kuko at biyak ang kuko sa dalawa, na ngumunguya ng dating kinain sa gitna ng mga hayop.+ Iyon ay makakain ninyo.  Ang uring ito lamang ang huwag ninyong kakainin mula roon sa mga ngumunguya ng dating kinain o may hati ang kuko, na may baak: ang kamelyo+ at ang kuneho+ at ang kuneho sa batuhan,+ sapagkat ang mga iyon ay ngumunguya ng dating kinain ngunit walang hati ang kuko. Ang mga iyon ay marumi para sa inyo.  Gayundin ang baboy,+ sapagkat may hati ang kuko nito ngunit hindi ngumunguya ng dating kinain. Ito ay marumi para sa inyo. Ang kanilang laman ay huwag ninyong kakainin, at ang kanilang mga bangkay ay huwag ninyong hihipuin.+  “Ang uring ito mula sa lahat ng nasa tubig ay makakain ninyo: Lahat ng may mga palikpik at mga kaliskis ay makakain ninyo.+ 10  At lahat ng walang palikpik at kaliskis ay huwag ninyong kakainin.+ Ito ay marumi para sa inyo. 11  “Anumang malinis na ibon ay makakain ninyo. 12  Ngunit ito ang mga hindi ninyo makakain: ang agila at ang lawing-dagat at ang buwitreng itim,+ 13  at ang lawing pula at ang lawing itim+ at ang lawing mandaragit ayon sa uri nito; 14  at lahat ng uwak+ ayon sa uri nito; 15  at ang avestruz+ at ang kuwago at ang golondrina at ang halkon ayon sa uri nito; 16  ang munting kuwago at ang kuwagong may mahahabang tainga+ at ang sisne, 17  at ang pelikano+ at ang buwitre at ang kormoran, 18  at ang siguana at ang kandangaok ayon sa uri nito, at ang abubilya at ang paniki.+ 19  At lahat ng may-pakpak at nagkukulupong nilalang ay marumi para sa inyo.+ Ang mga iyon ay hindi dapat kainin. 20  Anumang malinis na lumilipad na nilalang ay makakain ninyo. 21  “Huwag kayong kakain ng anumang bangkay ng hayop.+ Sa naninirahang dayuhan na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan ay maibibigay mo iyon, at kakainin niya iyon; o maipagbibili iyon sa isang banyaga, sapagkat ikaw ay isang banal na bayan kay Jehova na iyong Diyos. “Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.+ 22  “Walang pagsalang dapat kang magbigay ng ikasampu ng lahat ng bunga ng iyong binhi, yaong nanggagaling sa bukid taun-taon.+ 23  At sa harap ni Jehova na iyong Diyos, sa dakong pipiliin niya upang doon patahanin ang kaniyang pangalan, ay kainin mo ang ikasampung bahagi ng iyong butil,+ ng iyong bagong alak at ng iyong langis at ang mga panganay ng iyong bakahan at ng iyong kawan;+ upang matuto kang laging matakot kay Jehova na iyong Diyos.+ 24  “At kung ang paglalakbay ay lubhang mahaba para sa iyo,+ sapagkat hindi mo iyon makakayang dalhin, yamang ang dakong pipiliin ni Jehova na iyong Diyos upang doon ilagay ang kaniyang pangalan+ ay lubhang malayo para sa iyo, (sapagkat pagpapalain ka ni Jehova na iyong Diyos,)+ 25  ipagpalit mo iyon ng salapi, at ibalot mo ang salapi sa iyong kamay at maglakbay ka patungo sa dakong pipiliin ni Jehova na iyong Diyos. 26  At ibibigay mo naman ang salapi kapalit ng anumang naisin ng iyong kaluluwa,+ maging mga baka at mga tupa at mga kambing at alak at nakalalangong inumin+ at anumang bagay na hingin sa iyo ng iyong kaluluwa; at kumain ka roon sa harap ni Jehova na iyong Diyos at magsaya ka,+ ikaw at ang iyong sambahayan. 27  At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, huwag mo siyang pababayaan,+ sapagkat wala siyang bahagi o mana na kasama mo.+ 28  “Sa pagwawakas ng tatlong taon ay ilalabas mo ang buong ikasampung bahagi ng iyong ani sa taóng iyon,+ at ilagay mo iyon sa loob ng iyong mga pintuang-daan. 29  At ang Levita,+ sapagkat wala siyang bahagi o mana na kasama mo, at ang naninirahang dayuhan+ at ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo,+ na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay paroroon, at kakain sila at magpapakabusog; upang pagpalain ka ni Jehova na iyong Diyos+ sa bawat gawa+ ng iyong kamay na gagawin mo.

Talababa