Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Daniel 4:1-37

4  “Si Nabucodonosor na hari, sa lahat ng mga bayan, mga liping pambansa at mga wika na nananahanan sa buong lupa:+ Sumagana nawa ang inyong kapayapaan.+  Ang mga tanda at mga kababalaghan na isinagawa sa akin ng Kataas-taasang Diyos, inaakala ko na mabuting ipahayag iyon.+  Kay dakila ng kaniyang mga tanda, at napakamakapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan!+ Ang kaniyang kaharian ay isang kaharian hanggang sa panahong walang takda,+ at ang kaniyang pamamahala ay sa sali’t salinlahi.+  “Ako, si Nabucodonosor, ay panatag+ noon sa aking bahay at maunlad sa aking palasyo.+  Isang panaginip ang nakita ko, at ako ay natakot dito.+ At may mga larawang pangkaisipan sa aking higaan at mga pangitain sa aking ulo na tumakot sa akin.+  At mula sa akin ay inilabas ang utos na dalhin sa harap ko ang lahat ng marurunong na tao ng Babilonya, upang maipaalam nila sa akin ang pakahulugan ng panaginip.+  “Sa pagkakataong iyon ay pumasok ang mga mahikong saserdote, ang mga salamangkero, ang mga Caldeo+ at ang mga astrologo;+ at sinabi ko sa harap nila kung ano ang panaginip, ngunit ang pakahulugan nito ay hindi nila maipaalam sa akin.+  At nang dakong huli ay dumating sa harap ko si Daniel, na ang pangalan ay Beltesasar+ ayon sa pangalan ng aking diyos+ at siyang may espiritu ng mga banal na diyos;+ at sa harap niya ay sinabi ko kung ano ang panaginip:  “ ‘O Beltesasar na pinuno ng mga mahikong saserdote,+ sapagkat nalalaman kong lubos na ang espiritu ng mga banal na diyos ay sumasaiyo+ at na walang anumang lihim na nakababagabag sa iyo,+ sabihin mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na nakita ko at ang pakahulugan nito.+ 10  “ ‘At ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan ay nakita ko,+ at, narito! isang punungkahoy+ sa gitna ng lupa, na ang taas ay pagkalaki-laki.+ 11  Ang punungkahoy ay lumaki at tumibay, at sa kalaunan ay umabot sa langit ang taas nito, at ito ay nakikita hanggang sa dulo ng buong lupa.+ 12  Ang mga dahon nito ay magaganda, at ang bunga nito ay marami, at may pagkain doon para sa lahat. Sa ilalim nito ay lumililim+ ang hayop+ sa parang, at sa mga sanga nito ay nananahanan ang mga ibon sa langit,+ at mula roon ay kumakain ang lahat ng laman. 13  “ ‘Ako ay patuloy na nakakita sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, at, narito! isang tagapagbantay,+ isa ngang banal,+ na bumababa mula sa langit. 14  Sumigaw siya nang malakas, at ito ang kaniyang sinabi: “Ibuwal ninyo ang punungkahoy,+ at putulin ninyo ang mga sanga nito. Lagasin ninyo ang mga dahon nito, at pangalatin ninyo ang mga bunga nito. Paalisin ang hayop mula sa ilalim nito, at ang mga ibon mula sa mga sanga nito.+ 15  Gayunman, iwan ninyo ang tuod nito sa lupa, na mayroon ngang bigkis na bakal at tanso, kasama ng damo sa parang; at bayaang mabasâ ito ng hamog ng langit, at bayaang ang bahagi nito ay makasama ng hayop sa gitna ng pananim sa lupa.+ 16  Bayaang mapalitan ang puso nito niyaong hindi sa tao, at puso ng hayop ang maibigay rito,+ at pitong panahon+ ang palipasin dito. 17  Ayon sa kautusan ng mga tagapagbantay+ ang bagay na iyon, at ayon sa pananalita ng mga banal ang kahilingan, sa layon na malaman ng mga taong nabubuhay na ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao+ at na sa isa na ibig niya ay ibinibigay niya iyon+ at inilalagay niya sa ibabaw niyaon maging ang pinakamababa sa mga tao.”+ 18  “ ‘Ito ang panaginip na ako mismo, na si Haring Nabucodonosor, ang nakakita; at ikaw naman, O Beltesasar, ang magsabi kung ano ang pakahulugan, yamang hindi maipaalam sa akin ng lahat ng iba pang marurunong na tao sa aking kaharian ang pakahulugan.+ Ngunit ikaw ay may kakayahan, sapagkat ang espiritu ng mga banal na diyos ay sumasaiyo.’+ 19  “Sa pagkakataong iyon si Daniel, na ang pangalan ay Beltesasar,+ ay nanggilalas nang sandali, at natakot siya sa kaniyang mga kaisipan.+ “Ang hari ay sumagot at nagsabi, ‘O Beltesasar, huwag kang matakot sa panaginip at sa pakahulugan.’+ “Si Beltesasar ay sumagot at nagsabi, ‘O panginoon ko, ang panaginip nawa ay tungkol sa mga napopoot sa iyo, at ang pakahulugan naman ay tungkol sa iyong mga kalaban.+ 20  “ ‘Ang punungkahoy na nakita mo, na lumaking lubha at tumibay at sa kalaunan ay umabot sa langit ang taas at nakita sa buong lupa,+ 21  at may mga dahong magaganda, at maraming bunga, at doon ay may pagkain para sa lahat; na sa ilalim nito ay nananahanan ang mga hayop sa parang, at sa mga sanga nito ay tumatahan ang mga ibon sa langit,+ 22  ikaw iyon, O hari,+ sapagkat ikaw ay naging dakila at tumibay, at ang iyong karingalan ay naging dakila at umabot sa langit,+ at ang iyong pamamahala ay hanggang sa dulo ng lupa.+ 23  “ ‘At sapagkat ang hari ay nakakita ng isang tagapagbantay, ng isa ngang banal,+ na bumababa mula sa langit, na nagsasabi rin: “Ibuwal ninyo ang punungkahoy, at sirain ninyo iyon. Gayunman, iwan ninyo ang tuod nito sa lupa, ngunit may bigkis na bakal at tanso, kasama ng damo sa parang, at bayaang mabasâ ito ng hamog ng langit, at bayaang ang bahagi nito ay makasama ng mga hayop sa parang hanggang sa pitong panahon ang makalipas dito,”+ 24  ito ang pakahulugan, O hari, at ang kautusan+ ng Kataas-taasan+ ang siyang mangyayari sa panginoon kong hari.+ 25  At ikaw ay itataboy nila mula sa mga tao, at ang iyong pananahanan ay magiging kasama ng mga hayop sa parang,+ at pananim ang ibibigay nila upang kainin mong gaya ng mga toro;+ at sa hamog ng langit ay mababasâ ka, at pitong panahon+ ang lilipas sa iyo, hanggang sa malaman mo na ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao,+ at na sa isa na ibig niya ay ibinibigay niya iyon.+ 26  “ ‘At sapagkat sinabi nila na iwan ang tuod ng punungkahoy,+ ang iyong kaharian ay tiyak na mapapasaiyo pagkatapos mong malaman na ang mga langit ay namamahala.+ 27  Kaya nga, O hari, maging mabuti nawa sa iyong paningin ang aking payo,+ at alisin mo ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng katuwiran,+ at ang iyong kaimbihan sa pamamagitan ng pagpapakita ng awa sa mga dukha.+ Baka sakaling may maganap na pagpapahaba ng iyong kasaganaan.’ ”+ 28  Ang lahat ng ito ay nangyari kay Nabucodonosor na hari.+ 29  Sa pagwawakas ng labindalawang buwang lunar ay naglalakad nga siya sa maharlikang palasyo ng Babilonya. 30  Ang hari ay sumagot at nagsabi:+ “Hindi ba ito ang Babilonyang Dakila, na ako mismo ang nagtayo para sa maharlikang bahay sa lakas ng aking kapangyarihan+ at para sa dangal ng aking karingalan?”+ 31  Habang ang salita ay nasa bibig pa ng hari, isang tinig ang dumating mula sa langit: “Sa iyo ay sinasabi, O Nabucodonosor na hari, ‘Ang kaharian ay nahiwalay sa iyo,+ 32  at mula sa mga tao ay itataboy ka nila, at ang iyong pananahanan ay magiging kasama ng mga hayop sa parang.+ Pananim ang ibibigay nila upang kainin mong gaya ng mga toro, at pitong panahon ang lilipas sa iyo, hanggang sa malaman mo na ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao, at na sa isa na ibig niya ay ibinibigay niya iyon.’ ”+ 33  Nang sandaling iyon+ ay natupad kay Nabucodonosor ang salita, at mula sa mga tao ay itinaboy siya, at nagsimula siyang kumain ng pananim na gaya ng mga toro, at sa hamog ng langit ay nabasâ ang kaniyang katawan, hanggang sa ang kaniyang buhok ay humabang gaya ng mga balahibo ng mga agila at ang kaniyang mga kuko gaya ng mga kuko ng mga ibon.+ 34  “At sa pagwawakas ng mga araw+ ako, si Nabucodonosor, ay nagtingala ng aking mga mata sa langit,+ at ang aking unawa ay nagsimulang manumbalik sa akin; at pinagpala ko ang Kataas-taasan,+ at ang Isa na buháy hanggang sa panahong walang takda ay pinuri ko at niluwalhati,+ sapagkat ang kaniyang pamamahala ay isang pamamahala hanggang sa panahong walang takda at ang kaniyang kaharian ay sa sali’t salinlahi.+ 35  At ang lahat ng tumatahan sa lupa ay itinuturing lamang na walang kabuluhan,+ at ginagawa niya ang ayon sa kaniyang sariling kalooban sa gitna ng hukbo ng langit at ng mga tumatahan sa lupa.+ At walang sinumang umiiral ang makapipigil sa kaniyang kamay+ o makapagsasabi sa kaniya, ‘Ano ang ginagawa mo?’+ 36  “Nang panahon ding iyon ang aking unawa ay nagsimulang manumbalik sa akin, at sa ikararangal ng aking kaharian ay nagsimulang manumbalik sa akin ang aking karingalan at ang aking kaningningan;+ at pinasimulan akong hanapin nang may pananabik maging ng aking matataas na maharlikang opisyal at ng aking mga taong mahal, at ako ay muling natatag sa aking sariling kaharian, at ang kadakilaang pambihira ay nadagdag sa akin.+ 37  “Ngayon ako, si Nabucodonosor, ay pumupuri at dumadakila at lumuluwalhati sa Hari ng langit,+ sapagkat ang lahat ng kaniyang mga gawa ay katotohanan at ang kaniyang mga daan ay katarungan,+ at sapagkat yaong mga lumalakad sa pagmamapuri ay kaniyang maibababa.”+

Talababa