Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 8:1-26

8  At nagsalita si Jehova kay Moises, na sinasabi:  “Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, ‘Kapag pagniningasin mo ang mga lampara, ang pitong lampara ay dapat magliwanag sa lugar na nasa tapat ng kandelero.’”+  At gayon ang ginawa ni Aaron. Pinagningas niya ang mga lampara nito para sa lugar na nasa tapat ng kandelero,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.  At ganito ang kayarian ng kandelero. Ito ay gawang pinukpok na yari sa ginto. Mula sa mga tagiliran nito at hanggang sa mga bulaklak nito, ito ay gawang pinukpok.+ Ayon sa pangitain+ na ipinakita ni Jehova kay Moises ay gayon niya ginawa ang kandelero.  At nagsalita pa si Jehova kay Moises, na sinasabi:  “Kunin mo ang mga Levita mula sa mga anak ni Israel, at linisin mo sila.+  At ito ang gagawin mo sa kanila upang linisin sila: Wisikan mo sila ng tubig na naglilinis ng kasalanan,+ at paraanan nila ng labaha ang kanilang buong laman+ at labhan nila ang kanilang mga kasuutan+ at linisin ang kanilang sarili.+  Pagkatapos ay kukuha sila ng isang guyang toro+ at ng handog na mga butil+ nito na mainam na harina na nilagyan ng langis, at kukuha ka ng isa pang guyang toro bilang handog ukol sa kasalanan.+  At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tolda ng kapisanan at titipunin mo ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel.+ 10  At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ni Jehova, at ipapatong+ ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita.+ 11  At pagagalawin ni Aaron ang mga Levita nang paurong-sulong sa harap ni Jehova bilang handog na ikinakaway+ mula sa mga anak ni Israel, at magsisilbi silang tagatupad ng paglilingkod kay Jehova.+ 12  “Sa gayon ay ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga toro.+ Pagkatapos nito, iharap mo ang isa bilang handog ukol sa kasalanan at ang isa pa bilang handog na sinusunog para kay Jehova upang magbayad-sala+ para sa mga Levita. 13  At patatayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at ng kaniyang mga anak at pagagalawin mo sila nang paurong-sulong bilang handog na ikinakaway para kay Jehova. 14  At ibubukod mo ang mga Levita mula sa mga anak ni Israel, at ang mga Levita ay magiging akin.+ 15  At pagkatapos ay papasok ang mga Levita upang maglingkod sa tolda ng kapisanan.+ Kaya lilinisin mo sila at pagagalawin mo sila nang paurong-sulong bilang handog na ikinakaway.+ 16  Sapagkat sila ay mga ibinigay, na ibinigay sa akin mula sa mga anak ni Israel.+ Kahalili niyaong mga nagbubukas ng lahat ng bahay-bata, lahat ng panganay sa mga anak ni Israel,+ ay kukunin ko sila para sa akin. 17  Sapagkat ang lahat ng panganay sa mga anak ni Israel ay akin, sa tao at sa hayop.+ Nang araw na saktan ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto+ ay pinabanal ko sila para sa akin.+ 18  At kukunin ko ang mga Levita na kahalili ng lahat ng panganay sa mga anak ni Israel.+ 19  At ibibigay ko ang mga Levita bilang mga ibinigay kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa mga anak ni Israel,+ upang magsagawa ng paglilingkod ng mga anak ni Israel sa tolda ng kapisanan+ at upang magbayad-sala para sa mga anak ni Israel, upang walang mangyaring salot sa gitna ng mga anak ni Israel+ dahil lumalapit ang mga anak ni Israel sa dakong banal.” 20  At gayon ang ginawa ni Moises at ni Aaron at ng buong kapulungan ng mga anak ni Israel sa mga Levita. Ayon sa lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises may kinalaman sa mga Levita, gayon ang ginawa sa kanila ng mga anak ni Israel. 21  Kaya dinalisay ng mga Levita ang kanilang sarili+ at nilabhan nila ang kanilang mga kasuutan, pagkatapos ay pinagalaw sila ni Aaron nang paurong-sulong bilang handog na ikinakaway sa harap ni Jehova.+ At si Aaron ay gumawa ng pagbabayad-sala para sa kanila upang linisin sila.+ 22  Pagkatapos nito ay saka lamang unang pumasok ang mga Levita upang isagawa ang kanilang paglilingkod sa tolda ng kapisanan sa harap ni Aaron at ng kaniyang mga anak.+ Kung ano ang iniutos ni Jehova kay Moises may kaugnayan sa mga Levita, gayon ang ginawa nila sa kanila. 23  At nagsalita si Jehova kay Moises, na sinasabi: 24  “Ito ang nauukol sa mga Levita: Mula dalawampu’t limang taóng gulang pataas ay paroroon siya upang pumasok sa pangkat na naglilingkod sa tolda ng kapisanan. 25  Ngunit paglampas sa edad na limampung taon ay magreretiro siya mula sa pangkat na naglilingkod at hindi na maglilingkod pa. 26  At tutulungan niya ang kaniyang mga kapatid sa tolda ng kapisanan sa pag-aasikaso ng katungkulan, ngunit hindi siya gagawa ng anumang paglilingkod. Alinsunod dito ang gagawin mo sa mga Levita sa kanilang mga katungkulan.”+

Talababa