Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 6:1-27

6  At nagsalita pa si Jehova kay Moises, na sinasabi:  “Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Kung ang isang lalaki o isang babae ay gumawa ng isang pantanging panata na mamuhay bilang Nazareo+ para kay Jehova,  siya ay iiwas sa alak at nakalalangong inumin. Huwag siyang iinom ng sukà ng alak o ng sukà ng nakalalangong inumin,+ ni iinom man siya ng anumang likidong gawa mula sa ubas, ni kakain man ng ubas na sariwa o pinatuyo.  Sa lahat ng mga araw ng kaniyang pagka-Nazareo ay hindi siya kakain ng anumang bagay na ginawa mula sa punong ubas na pang-alak, mula sa hilaw na ubas hanggang sa balat.  “‘Sa lahat ng mga araw ng panata ng kaniyang pagka-Nazareo ay walang labaha ang pararaanin sa kaniyang ulo;+ hanggang sa malubos ang mga araw ng pagkakabukod niya para kay Jehova, magpapakabanal siya sa pamamagitan ng pagpapahaba ng buhok+ ng kaniyang ulo.  Sa lahat ng mga araw ng kaniyang pananatiling nakabukod para kay Jehova ay hindi siya makalalapit sa sinumang patay na kaluluwa.+  Kahit na dahil sa kaniyang ama o sa kaniyang ina o sa kaniyang kapatid na lalaki o sa kaniyang kapatid na babae ay huwag siyang magpapakarungis kapag sila ay namatay,+ sapagkat ang tanda ng kaniyang pagka-Nazareo para sa kaniyang Diyos ay nasa kaniyang ulo.  “‘Sa lahat ng mga araw ng kaniyang pagka-Nazareo ay banal siya kay Jehova.  Ngunit kung ang sinumang mamamatay na ay biglang mamatay sa tabi niya+ anupat nadungisan niya ang ulo ng kaniyang pagka-Nazareo, aahitan+ nga niya ang kaniyang ulo sa araw ng pagtatatag ng kaniyang pagkakadalisay. Sa ikapitong araw ay aahitan niya ito. 10  At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batu-bato o dalawang inakáy na kalapati sa saserdote sa pasukan ng tolda ng kapisanan.+ 11  At gagamitin ng saserdote ang isa bilang handog ukol sa kasalanan+ at ang isa bilang handog na sinusunog+ at magbabayad-sala para sa kaniya, yamang nagkasala siya dahil sa patay na kaluluwa. Sa gayon ay pababanalin niya ang kaniyang ulo sa araw na iyon. 12  At mamumuhay siya bilang Nazareo+ para kay Jehova sa mga araw ng kaniyang pagka-Nazareo, at magdadala siya ng isang batang barakong tupa na nasa unang taon nito bilang handog ukol sa pagkakasala;+ at ang mga araw noong una ay hindi ibibilang sapagkat dinungisan niya ang kaniyang pagka-Nazareo. 13  “‘At ito ang kautusan tungkol sa Nazareo: Sa araw na malubos ang mga araw ng kaniyang pagka-Nazareo,+ siya ay dadalhin sa pasukan ng tolda ng kapisanan. 14  At ihahandog niya bilang kaniyang handog kay Jehova ang isang malusog na batang barakong tupa na nasa unang taon nito bilang handog na sinusunog+ at isang malusog na babaing kordero na nasa unang taon nito bilang handog ukol sa kasalanan+ at isang malusog na barakong tupa bilang haing pansalu-salo,+ 15  at isang basket ng mga tinapay na hugis-singsing na walang pampaalsa mula sa mainam na harina,+ na nilagyan ng langis,+ at maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis,+ at ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin.+ 16  At ihahandog ng saserdote ang mga iyon sa harap ni Jehova at ibibigay ang kaniyang handog ukol sa kasalanan at ang kaniyang handog na sinusunog.+ 17  At ihaharap niya kay Jehova ang barakong tupa bilang haing pansalu-salo+ kasama ang basket ng mga tinapay na walang pampaalsa; at ihaharap ng saserdote ang handog na mga butil+ nito at ang handog na inumin nito. 18  “‘At aahitan+ ng Nazareo ang ulo ng kaniyang pagka-Nazareo sa pasukan ng tolda ng kapisanan, at kukunin niya ang buhok ng ulo ng kaniyang pagka-Nazareo at ilalagay iyon sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng haing pansalu-salo. 19  At kukunin ng saserdote ang isang pinakuluang+ balikat mula sa barakong tupa at ang isang tinapay na hugis-singsing na walang pampaalsa mula sa basket, at ang isang manipis na tinapay na walang pampaalsa,+ at ilalagay ang mga iyon sa mga palad ng Nazareo pagkatapos niyang maipaahit ang tanda ng kaniyang pagka-Nazareo. 20  At ikakaway ng saserdote ang mga iyon bilang handog na ikinakaway sa harap ni Jehova.+ Ito ay banal para sa saserdote, kasama ng dibdib+ ng handog na ikinakaway at ng binti ng abuloy.+ At pagkatapos ay makaiinom ng alak+ ang Nazareo. 21  “‘Ito ang kautusan tungkol sa Nazareo+ na nananata—ang kaniyang handog kay Jehova dahil sa kaniyang pagka-Nazareo, bukod pa roon sa makakayanan niya. Ayon sa kaniyang ipananata, gayon ang gagawin niya dahil sa kautusan tungkol sa kaniyang pagka-Nazareo.’” 22  At nagsalita si Jehova kay Moises, na sinasabi: 23  “Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sinasabi, ‘Ganito ninyo pagpapalain+ ang mga anak ni Israel, na sinasabi sa kanila: 24  “Pagpalain ka nawa ni Jehova+ at ingatan ka.+ 25  Pasinagin nawa ni Jehova sa iyo ang kaniyang mukha,+ at lingapin ka niya nawa.+ 26  Iharap nawa ni Jehova sa iyo ang kaniyang mukha+ at magtalaga sa iyo ng kapayapaan.”’+ 27  At ilalagay nila ang aking pangalan+ sa mga anak ni Israel, upang pagpalain ko sila.”+

Talababa