Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 30:1-16

30  At nagsalita si Moises sa mga ulo+ ng mga tribo ng mga anak ni Israel, na sinasabi: “Ito ang salita na iniutos ni Jehova:  Kung ang isang lalaki ay manata+ kay Jehova o sumumpa ng isang sumpa+ na magtalaga sa kaniyang kaluluwa ng isang panata ng pagkakait sa sarili,+ huwag niyang lalabagin ang kaniyang salita.+ Gagawin niya ang ayon sa lahat ng lumabas sa kaniyang bibig.+  “At kung ang isang babae ay manata kay Jehova+ o magtalaga siya sa kaniyang sarili ng isang panata ng pagkakait sa sarili sa bahay ng kaniyang ama sa kaniyang kabataan,  at marinig nga ng kaniyang ama ang kaniyang panata o ang kaniyang panata ng pagkakait sa sarili na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa at ang kaniyang ama ay manatiling tahimik sa kaniya, ang lahat ng kaniyang mga panata ay magkakabisa rin, at bawat panata ng pagkakait sa sarili+ na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa.  Ngunit kung pagbawalan siya ng kaniyang ama nang araw na marinig nito ang lahat ng kaniyang mga panata o ng kaniyang mga panata ng pagkakait sa sarili na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa, hindi ito magkakabisa, ngunit patatawarin siya ni Jehova, sapagkat pinagbawalan siya ng kaniyang ama.+  “Gayunman, kung siya ay pag-aari ng isang asawang lalaki, at sumasakaniya ang kaniyang panata+ o ang di-pinag-isipang pangako ng kaniyang mga labi na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa,  at marinig nga iyon ng kaniyang asawa at manatili itong tahimik sa kaniya nang araw na marinig nito iyon, ang kaniyang mga panata ay magkakabisa rin o ang kaniyang mga panata ng pagkakait sa sarili na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa.+  Ngunit kung pagbawalan siya ng kaniyang asawa nang araw na marinig iyon,+ pinawalang-saysay rin nito ang kaniyang panata na sumasakaniya o ang di-pinag-isipang pangako ng kaniyang mga labi na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa, at patatawarin siya ni Jehova.+  “Kung tungkol sa panata ng isang babaing balo o ng isang babaing diniborsiyo, ang lahat ng bagay na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa laban sa kaniya. 10  “Gayunman, kung nanata siya sa bahay ng kaniyang asawa o itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa ang isang panata ng pagkakait sa sarili+ sa pamamagitan ng isang sumpa, 11  at narinig iyon ng kaniyang asawa at nanatiling tahimik sa kaniya, hindi siya pinagbawalan nito; at ang lahat ng kaniyang mga panata ay magkakabisa o anumang panata ng pagkakait sa sarili na itinalaga niya sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa. 12  Ngunit kung lubusang pinawalang-saysay ng kaniyang asawa ang mga iyon nang araw na marinig nito ang anumang pananalita ng kaniyang mga labi bilang kaniyang mga panata o bilang panata ng pagkakait sa sarili ng kaniyang kaluluwa, ang mga iyon ay hindi magkakabisa.+ Ang mga iyon ay pinawalang-saysay ng kaniyang asawa, at patatawarin siya ni Jehova.+ 13  Anumang panata o anumang sumpa tungkol sa panata ng pagkakait sa sarili upang pighatiin ang kaluluwa,+ pagtitibayin iyon ng kaniyang asawa o pawawalang-saysay iyon ng kaniyang asawa. 14  Ngunit kung ang kaniyang asawa ay manatili ngang tahimik sa kaniya sa araw-araw, pinagtibay din nito ang lahat ng kaniyang mga panata o ang lahat ng kaniyang mga panata ng pagkakait sa sarili na sumasakaniya.+ Pinagtibay nito ang mga iyon sapagkat nanatili itong tahimik sa kaniya nang araw na marinig nito ang mga iyon. 15  At kung lubusan nitong pawalang-saysay ang mga iyon pagkatapos nitong marinig ang mga iyon, tataglayin din nga nito ang kaniyang kamalian.+ 16  “Ito ang mga tuntunin na iniutos ni Jehova kay Moises sa pagitan ng asawang lalaki at ng kaniyang asawang babae,+ sa pagitan ng ama at ng kaniyang anak na babae sa kabataan nito sa bahay ng kaniyang ama.”+

Talababa