Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 29:1-40

29  “‘At sa ikapitong buwan, sa ikaisa ng buwan, ay magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng mabigat na gawain.+ Iyon ay magiging isang araw ng pagpapatunog ng trumpeta para sa inyo.+  At ihaharap ninyo bilang handog na sinusunog na nakagiginhawang amoy para kay Jehova ang isang guyang toro, isang barakong tupa, pitong lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+  at ang kanilang handog na mga butil mula sa mainam na harina na nilagyan ng langis, tatlong ikasampung takal para sa toro, dalawang ikasampung takal para sa barakong tupa,+  at isang ikasampung takal para sa bawat lalaking kordero sa pitong lalaking kordero;+  at isang batang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan upang magbayad-sala para sa inyo;+  bukod pa sa buwanang handog na sinusunog+ at sa handog na mga butil nito+ at sa palagiang handog na sinusunog+ at sa handog na mga butil nito,+ kasama ng kanilang mga handog na inumin,+ ayon sa karaniwang pamamaraan sa mga iyon, bilang nakagiginhawang amoy, isang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova.+  “‘At sa ikasampu ng ikapitong buwang ito ay magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon,+ at pipighatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa.+ Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng gawain.+  At ihahandog ninyo bilang handog na sinusunog para kay Jehova, na nakagiginhawang amoy, ang isang guyang toro, isang barakong tupa, pitong lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang.+ Ang mga iyon ay dapat na malulusog sa inyo.+  At bilang kanilang handog na mga butil mula sa mainam na harina na nilagyan ng langis ay tatlong ikasampung takal para sa toro, dalawang ikasampung takal para sa isang barakong tupa,+ 10  isang ikasampung takal para sa bawat lalaking kordero sa pitong lalaking kordero;+ 11  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan, bukod pa sa handog ukol sa kasalanan na pambayad-sala+ at sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na mga butil nito, kasama ng kanilang mga handog na inumin.+ 12  “‘At sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan+ ay magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng mabigat na gawain,+ at magdiriwang kayo ng isang kapistahan para kay Jehova nang pitong araw.+ 13  At ihahandog ninyo bilang handog na sinusunog,+ isang handog na pinaraan sa apoy, na nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ang labintatlong guyang toro, dalawang barakong tupa, labing-apat na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ang mga iyon ay dapat na malulusog.+ 14  At bilang kanilang handog na mga butil mula sa mainam na harina na nilagyan ng langis ay tatlong ikasampung takal para sa bawat toro sa labintatlong toro, dalawang ikasampung takal para sa bawat barakong tupa sa dalawang barakong tupa,+ 15  at isang ikasampung takal para sa bawat lalaking kordero sa labing-apat na lalaking kordero;+ 16  at isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan, bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na mga butil nito at sa handog na inumin nito.+ 17  “‘At sa ikalawang araw ay labindalawang guyang toro, dalawang barakong tupa, labing-apat na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+ 18  at ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin+ para sa mga toro, sa mga barakong tupa at sa mga lalaking kordero ayon sa kanilang bilang ayon sa karaniwang pamamaraan;+ 19  at isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan,+ bukod pa sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na mga butil nito, kasama ng kanilang mga handog na inumin.+ 20  “‘At sa ikatlong araw ay labing-isang toro, dalawang barakong tupa, labing-apat na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+ 21  at ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin+ para sa mga toro, sa mga barakong tupa at sa mga lalaking kordero ayon sa kanilang bilang ayon sa karaniwang pamamaraan; 22  at isang kambing bilang handog ukol sa kasalanan,+ bukod pa sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na mga butil nito at sa handog na inumin nito. 23  “‘At sa ikaapat na araw ay sampung toro, dalawang barakong tupa, labing-apat na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+ 24  ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin+ para sa mga toro, sa mga barakong tupa at sa mga lalaking kordero ayon sa kanilang bilang ayon sa karaniwang pamamaraan;+ 25  at isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan,+ bukod pa sa palagiang handog na sinusunog,+ sa handog na mga butil nito at sa handog na inumin nito.+ 26  “‘At sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang barakong tupa, labing-apat na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+ 27  at ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin+ para sa mga toro, sa mga barakong tupa at sa mga lalaking kordero ayon sa kanilang bilang ayon sa karaniwang pamamaraan;+ 28  at isang kambing bilang handog ukol sa kasalanan,+ bukod pa sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na mga butil nito at sa handog na inumin nito.+ 29  “‘At sa ikaanim na araw ay walong toro, dalawang barakong tupa, labing-apat na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+ 30  at ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin+ para sa mga toro, sa mga barakong tupa at sa mga lalaking kordero ayon sa kanilang bilang ayon sa karaniwang pamamaraan;+ 31  at isang kambing bilang handog ukol sa kasalanan,+ bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na mga butil nito at sa mga handog na inumin nito.+ 32  “‘At sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawang barakong tupa, labing-apat na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+ 33  at ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin+ para sa mga toro, sa mga barakong tupa at sa mga lalaking kordero ayon sa kanilang bilang ayon sa karaniwang pamamaraan sa mga iyon;+ 34  at isang kambing bilang handog ukol sa kasalanan,+ bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na mga butil nito at sa handog na inumin nito.+ 35  “‘At sa ikawalong araw ay magdaraos kayo ng isang kapita-pitagang kapulungan.+ Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng mabigat na gawain.+ 36  At ihahandog ninyo bilang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, na nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ang isang toro, isang barakong tupa, pitong lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang, malulusog;+ 37  at ang kanilang handog na mga butil+ at ang kanilang mga handog na inumin+ para sa toro, sa barakong tupa at sa mga lalaking kordero ayon sa kanilang bilang ayon sa karaniwang pamamaraan;+ 38  at isang kambing bilang handog ukol sa kasalanan,+ bukod pa sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na mga butil nito at sa handog na inumin nito.+ 39  “‘Ang mga ito ang ihaharap ninyo kay Jehova sa inyong mga pangkapanahunang kapistahan,+ bukod pa sa inyong mga panatang handog+ at sa inyong mga kusang-loob na handog+ bilang inyong mga handog na sinusunog+ at inyong mga handog na mga butil+ at inyong mga handog na inumin+ at inyong mga haing pansalu-salo.’”+ 40  At nakipag-usap si Moises sa mga anak ni Israel ayon sa lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises.+

Talababa