Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 28:1-31

28  At nagsalita pa si Jehova kay Moises, na sinasabi:  “Utusan mo ang mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, ‘Iingatan ninyong ihandog sa akin ang aking handog, ang aking tinapay,+ bilang aking mga handog na pinaraan sa apoy bilang nakagiginhawang amoy para sa akin,+ sa mga takdang panahon ng mga iyon.’+  “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang handog na pinaraan sa apoy na ihahandog ninyo kay Jehova: dalawang malulusog na santaóng-gulang na lalaking kordero bawat araw bilang handog na sinusunog nang palagian.+  Ang isang lalaking kordero ay ihaharap mo sa umaga, at ang isa pang lalaking kordero ay ihaharap mo sa pagitan ng dalawang gabi,+  kasama ng ikasampu ng isang epa+ ng mainam na harina bilang handog na mga butil+ na nilagyan ng isang kapat na hin ng napigang langis;+  ang palagiang handog na sinusunog,+ na iniharap sa Bundok Sinai bilang nakagiginhawang amoy, isang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova,+  kasama ng handog na inumin nito,+ na isang kapat na hin sa bawat lalaking kordero.+ Ibuhos mo sa dakong banal ang handog na inumin na nakalalangong inumin+ para kay Jehova.  At ihaharap mo ang isa pang lalaking kordero sa pagitan ng dalawang gabi. Kasama ng gayunding handog na mga butil gaya ng sa umaga at kasama ng gayunding handog na inumin nito ay ihaharap mo iyon bilang handog na pinaraan sa apoy, na nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+  “‘Gayunman, sa araw ng sabbath+ ay magkakaroon ng dalawang malulusog na santaóng-gulang na lalaking kordero at dalawang ikasampung takal ng mainam na harina bilang handog na mga butil na nilagyan ng langis, kasama ng handog na inumin nito, 10  bilang handog na sinusunog na pang-sabbath sa sabbath nito, kasama ng palagiang handog na sinusunog+ at ng handog na inumin nito.+ 11  “‘At sa mga pasimula ng inyong mga buwan ay ihahandog ninyo bilang handog na sinusunog para kay Jehova ang dalawang guyang toro at isang barakong tupa, pitong malulusog na lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang,+ 12  at tatlong ikasampung takal ng mainam na harina bilang handog na mga butil+ na nilagyan ng langis para sa bawat toro at dalawang ikasampung takal ng mainam na harina bilang handog na mga butil na nilagyan ng langis para sa isang barakong tupa,+ 13  at isang ikasampung takal ng mainam na harina sa bawat isa bilang handog na mga butil na nilagyan ng langis para sa bawat lalaking kordero, bilang handog na sinusunog, na nakagiginhawang amoy,+ isang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova. 14  At ang gagamitin bilang kanilang mga handog na inumin ay kalahating+ hin ng alak para sa isang toro at isang katlong+ hin para sa barakong tupa at isang kapat+ na hin para sa isang lalaking kordero. Ito ang buwanang handog na sinusunog sa buwan nito para sa mga buwan ng taon.+ 15  Gayundin, isang anak+ ng kambing ang ihaharap kay Jehova bilang handog ukol sa kasalanan bukod pa sa palagiang handog na sinusunog kasama ng handog na inumin nito.+ 16  “‘At sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, ay paskuwa ni Jehova.+ 17  At sa ikalabinlimang araw ng buwang ito ay isang kapistahan. Pitong araw na kakainin ang mga tinapay na walang pampaalsa.+ 18  Sa unang araw ay magkakaroon ng isang banal na kombensiyon.+ Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng mabigat na gawain.+ 19  At ihahandog ninyo bilang handog na pinaraan sa apoy, na handog na sinusunog+ para kay Jehova, ang dalawang guyang toro at isang barakong tupa at pitong lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang.+ Ang mga iyon ay dapat na malulusog sa inyo.+ 20  At bilang kanilang mga handog na mga butil+ mula sa mainam na harina na nilagyan ng langis ay ihaharap ninyo ang tatlong ikasampung takal para sa isang toro at dalawang ikasampung takal+ para sa barakong tupa. 21  Ihaharap mo ang isang ikasampung takal+ para sa bawat lalaking kordero sa pitong lalaking kordero; 22  at isang kambing na handog ukol sa kasalanan upang magbayad-sala para sa inyo.+ 23  Bukod pa sa pang-umagang handog na sinusunog, na para sa palagiang+ handog na sinusunog,+ ay ihaharap ninyo ang mga ito. 24  Ang gaya rin ng mga ito ang ihaharap ninyo araw-araw para sa pitong araw bilang tinapay,+ isang handog na pinaraan sa apoy, na nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ Kasama ng palagiang handog na sinusunog ay ihaharap iyon, at ang handog na inumin nito. 25  At sa ikapitong araw ay magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng mabigat na gawain.+ 26  “‘At sa araw ng mga unang hinog na bunga,+ kapag naghandog kayo ng bagong handog na mga butil para kay Jehova, sa inyong piging ng mga sanlinggo+ ay magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng mabigat na gawain.+ 27  At ihahandog ninyo bilang handog na sinusunog na nakagiginhawang amoy para kay Jehova ang dalawang guyang toro, isang barakong tupa, pitong lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang;+ 28  at bilang kanilang handog na mga butil mula sa mainam na harina na nilagyan ng langis ay tatlong ikasampung takal para sa bawat toro, dalawang ikasampung takal+ para sa isang barakong tupa, 29  isang ikasampung takal+ para sa bawat lalaking kordero sa pitong lalaking kordero; 30  isang anak ng kambing upang magbayad-sala para sa inyo.+ 31  Bukod pa sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na mga butil nito ay ihaharap mo ang mga iyon.+ Ang mga iyon ay dapat na malulusog sa inyo,+ kasama ng kanilang mga handog na inumin.+

Talababa