Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 25:1-18

25  Ang Israel nga ay nananahanan sa Sitim.+ At ang bayan ay nagpasimulang magkaroon ng imoral na pakikipagtalik sa mga anak na babae ng Moab.+  At tinawag ng mga babae ang bayan sa mga hain sa kanilang mga diyos,+ at ang bayan ay nagsimulang kumain at yumukod sa kanilang mga diyos.+  Sa gayon ay lumakip ang Israel sa Baal ng Peor;+ at ang galit ni Jehova ay nagsimulang lumagablab laban sa Israel.+  Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Dalhin mo ang lahat ng pangulo ng bayan at ilantad mo sila kay Jehova+ sa harap sa araw, upang ang nag-aapoy na galit ni Jehova ay mapawi mula sa Israel.”  Nang magkagayon ay sinabi ni Moises sa mga hukom ng Israel:+ “Patayin ng bawat isa sa inyo+ ang kaniyang mga tao na lumakip sa Baal ng Peor.”  Ngunit, narito! isang lalaki+ mula sa mga anak ni Israel ang dumating, at dinala niya sa kaniyang mga kapatid ang isang babaing Midianita+ sa paningin ni Moises at sa paningin ng buong kapulungan ng mga anak ni Israel, samantalang sila ay tumatangis sa pasukan ng tolda ng kapisanan.  Nang makita ito ni Pinehas+ na anak ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, siya ay kaagad na tumindig mula sa gitna ng kapulungan at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay.  Pagkatapos ay sinundan niya ang lalaki ng Israel sa nakaarkong tolda at inulos niya silang dalawa, ang lalaki ng Israel at ang babae sa kaniyang ari. Sa gayon ay natigil ang salot mula sa mga anak ni Israel.+  At yaong mga namatay sa salot ay umabot ng dalawampu’t apat na libo.+ 10  Nang magkagayon ay nagsalita si Jehova kay Moises, na sinasabi: 11  “Pinawi ni Pinehas+ na anak ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ang aking poot+ mula sa mga anak ni Israel sa hindi niya pagpapahintulot na magkaroon ako ng kaagaw sa gitna nila,+ kung kaya hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking paghingi ng bukod-tanging debosyon.+ 12  Sa dahilang iyon ay sabihin mo, ‘Narito, ibinibigay ko sa kaniya ang aking tipan ng kapayapaan. 13  At iyon ay magiging tipan ng pagkasaserdote hanggang sa panahong walang takda para sa kaniya at sa kaniyang supling na kasunod niya,+ sa dahilang hindi niya pinahintulutang magkaroon ng kaagaw ang kaniyang Diyos+ at nagbayad-sala siya para sa mga anak ni Israel.’”+ 14  At ang pangalan ng pinatay na lalaking Israelita na pinatay kasama ng babaing Midianita ay Zimri na anak ni Salu, na pinuno+ sa sambahayan ng mga Simeonita sa panig ng ama. 15  At ang pangalan ng babaing Midianita na pinatay ay Cozbi na anak ni Zur;+ siya ay isang pangulo ng mga lipi sa isang sambahayan sa Midian+ sa panig ng ama. 16  Sa kalaunan ay nagsalita si Jehova kay Moises, na sinasabi: 17  “Ligaligin ang mga Midianita, at saktan ninyo sila,+ 18  sapagkat nililigalig nila kayo sa pamamagitan ng kanilang mga gawang katusuhan+ na ginawa nila nang may katusuhan laban sa inyo sa nangyari sa Peor+ at sa nangyari kay Cozbi+ na anak na babae ng isang pinuno sa Midian, na kanilang kapatid na babaing pinatay+ noong araw ng salot dahil sa nangyari sa Peor.”+

Talababa