Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 21:1-35

21  At narinig ng Canaanita na hari ng Arad,+ na tumatahan sa Negeb,+ na ang Israel ay dumating sa daan ng Atarim, at nilabanan niya ang Israel at dinalang bihag ang ilan sa kanila.  Dahil dito ay nanata ang Israel kay Jehova at sinabi:+ “Kung walang pagsalang ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, itatalaga ko rin naman sa pagkapuksa ang kanilang mga lunsod.”+  Sa gayon ay pinakinggan ni Jehova ang tinig ng Israel at ibinigay niya ang mga Canaanita; at kanilang itinalaga sila at ang kanilang mga lunsod sa pagkapuksa. Kaya tinawag nilang Horma+ ang pangalan ng dakong iyon.  Samantalang patuloy silang bumabagtas mula sa Bundok Hor+ sa daang patungo sa Dagat na Pula upang lumibot sa lupain ng Edom,+ ang kaluluwa ng bayan ay nagsimulang manghimagod dahil sa daan.  At ang bayan ay patuloy na nagsasalita laban sa Diyos+ at kay Moises:+ “Bakit ninyo kami iniahon mula sa Ehipto upang mamatay sa ilang?+ Sapagkat walang tinapay at walang tubig,+ at kinamumuhian na ng aming kaluluwa ang kasuklam-suklam na tinapay.”+  Kaya nagsugo si Jehova ng makamandag na mga serpiyente+ sa gitna ng bayan, at pinagkakagat nila ang mga tao, anupat maraming tao sa Israel ang namatay.+  Sa wakas ay pumaroon ang bayan kay Moises at sinabi: “Kami ay nagkasala,+ sapagkat nagsalita kami laban kay Jehova at laban sa iyo. Mamagitan ka kay Jehova upang alisin niya sa amin ang mga serpiyente.”+ At namagitan si Moises alang-alang sa bayan.+  Nang magkagayon ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Gumawa ka ng isang malaapoy na ahas at ilagay mo iyon sa isang posteng pananda. At mangyayari nga na kapag ang sinuman ay nakagat, titingnan nga niya iyon at sa gayon ay mananatiling buháy.”+  Si Moises ay kaagad na gumawa ng isang serpiyente na yari sa tanso+ at inilagay iyon sa posteng pananda;+ at nangyari nga na kapag nakagat ng serpiyente ang isang tao at tumitig+ siya sa tansong serpiyente, siya ay nananatiling buháy.+ 10  Pagkatapos ay lumisan ang mga anak ni Israel at nagkampo sa Obot.+ 11  Nang magkagayon ay lumisan sila mula sa Obot at nagkampo sa Iye-abarim,+ sa ilang na nasa dakong harap ng Moab, sa dakong sikatan ng araw. 12  Mula roon ay lumisan sila at nagkampo sa tabi ng agusang libis ng Zered.+ 13  Mula roon ay lumisan sila at nagkampo sa pook ng Arnon,+ na nasa ilang na nagpapasimula sa hanggahan ng mga Amorita; sapagkat ang Arnon ang hangganan ng Moab, sa pagitan ng Moab at ng mga Amorita. 14  Kaya naman sinasabi sa aklat ng Mga Digmaan ni Jehova: “Ang Vaheb sa Supa at ang mga agusang libis ng Arnon, 15  at ang bukana ng mga agusang libis, na kumiling sa pinakaupuan ng Ar+ at sumandig sa hanggahan ng Moab.” 16  Pagkagaling doon ay napasa-Beer+ naman. Ito ang balon na tungkol dito ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Tipunin mo ang bayan, at bibigyan ko sila ng tubig.”+ 17  Nang pagkakataong iyon ay inawit ng Israel ang awit na ito:+“Bumukal ka, O balon! Tumugon kayo rito, kayong mga tao! 18  Isang balon, hinukay iyon ng mga prinsipe. Dinukal iyon ng mga taong mahal mula sa bayan,Sa pamamagitan ng baston ng kumandante,+ sa pamamagitan ng kanilang sariling mga baston.” At mula sa ilang ay napasa-Matana. 19  At mula sa Matana ay napasa-Nahaliel, at mula sa Nahaliel ay napasa-Bamot.+ 20  At mula sa Bamot ay napasalibis na nasa bukid ng Moab,+ sa pinakaulo ng Pisga,+ at ito ay nakaungos tungo sa pinakamukha ng Jesimon.+ 21  Ang Israel ngayon ay nagsugo ng mga mensahero kay Sihon+ na hari ng mga Amorita, na sinasabi: 22  “Paraanin mo ako sa iyong lupain. Hindi kami liliko sa bukid o sa ubasan. Hindi kami iinom ng tubig ng alinmang balon. Sa daan ng hari kami maglalakad hanggang sa makaraan kami sa iyong teritoryo.”+ 23  At hindi pinahintulutan ni Sihon ang Israel na dumaan sa kaniyang teritoryo,+ kundi tinipon ni Sihon ang kaniyang buong bayan at lumabas upang salubungin ang Israel sa ilang, at dumating sa Jahaz+ at pinasimulang labanan ang Israel. 24  Dahil dito ay sinaktan siya ng Israel sa pamamagitan ng talim ng tabak+ at inari ang kaniyang lupain+ mula sa Arnon+ hanggang sa Jabok,+ malapit sa mga anak ni Ammon; sapagkat ang Jazer+ ang hanggahan ng mga anak ni Ammon.+ 25  Sa gayon ay kinuha ng Israel ang lahat ng lunsod na ito, at ang Israel ay nagsimulang manahanan sa lahat ng lunsod ng mga Amorita,+ sa Hesbon+ at sa lahat ng sakop na bayan nito. 26  Sapagkat ang Hesbon ang lunsod ni Sihon.+ Siya ang hari ng mga Amorita,+ at siya ang nakipaglaban sa hari ng Moab noong una at kumuha ng kaniyang buong lupain mula sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon.+ 27  Kaya naman ang mga nagsasalita ng mapanlibak na mga sawikain ay nagsasabi:“Halina kayo sa Hesbon.Ang lunsod ni Sihon ay itayo at itatag nang matibay. 28  Sapagkat may apoy na lumabas mula sa Hesbon,+ isang liyab mula sa bayan ni Sihon.Tinupok nito ang Ar+ ng Moab, ang mga may-ari ng matataas na dako ng Arnon. 29  Sa aba mo, Moab! Tiyak na malilipol ka, O bayan ni Kemos!+Tiyak na ibibigay niya ang kaniyang mga anak na lalaki bilang mga takas at ang kaniyang mga anak na babae sa pagkabihag sa hari ng mga Amorita, kay Sihon. 30  Kaya panain natin sila.Ang Hesbon ay tiyak na mawawasak hanggang sa Dibon,+At ang mga babae ay hanggang sa Nopa, ang mga lalaki ay hanggang sa Medeba.”+ 31  At ang Israel ay nagsimulang manahanan sa lupain ng mga Amorita.+ 32  At nagsugo si Moises ng ilan upang maniktik sa Jazer.+ Sa gayon ay binihag nila ang mga sakop na bayan nito at itinaboy ang mga Amorita na naroroon.+ 33  Pagkatapos ay lumiko sila at umahon sa daan ng Basan.+ Dito ay lumabas si Og+ na hari ng Basan upang salubungin sila, siya at ang kaniyang buong bayan, sa pagbabaka sa Edrei.+ 34  Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Huwag kang matakot sa kaniya,+ sapagkat sa iyong kamay ay tiyak na ibibigay ko siya at ang kaniyang buong bayan at ang kaniyang lupain;+ at gagawin mo sa kaniya ang gaya ng ginawa mo kay Sihon, na hari ng mga Amorita, na tumatahan noon sa Hesbon.”+ 35  Sa gayon ay sinaktan nila siya at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan, hanggang sa walang natirang buháy sa kaniya;+ at inari nila ang kaniyang lupain.+

Talababa