Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 17:1-13

17  At nagsalita si Jehova kay Moises, na sinasabi:  “Magsalita ka sa mga anak ni Israel at kumuha ka sa kanila ng isang tungkod+ para sa bawat sambahayan sa panig ng ama mula sa lahat ng kanilang mga pinuno,+ ayon sa sambahayan ng kanilang mga ama, labindalawang tungkod. Isusulat mo ang pangalan ng bawat isa sa kaniyang tungkod.  At ang pangalan ni Aaron ay isusulat mo sa tungkod ni Levi, sapagkat may isang tungkod para sa ulo ng sambahayan ng kanilang mga ama.  At ilalagay mo ang mga iyon sa tolda ng kapisanan sa harap ng Patotoo,+ kung saan ako laging nakikipagtagpo sa inyo.+  At mangyayari nga na ang lalaking pipiliin ko,+ ang kaniyang tungkod ay uusbong, at tiyak na pahuhupain ko ang mga bulung-bulungan+ ng mga anak ni Israel laban sa akin, na pinagbubulung-bulungan nila laban sa inyo.”+  Kaya nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pinuno ay nagbigay sa kaniya ng isang tungkod para sa bawat pinuno, isang tungkod para sa bawat pinuno, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ama, labindalawang tungkod;+ at ang tungkod ni Aaron ay kasama ng kanilang mga tungkod.+  Nang magkagayon ay inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ni Jehova sa tolda ng Patotoo.+  At nangyari nang sumunod na araw nang pumasok si Moises sa tolda ng Patotoo, narito! ang tungkod ni Aaron para sa sambahayan ni Levi ay umusbong, at ito ay nagsibol ng mga usbong at namulaklak at nagbunga ng mga hinog na almendras.  At inilabas ni Moises sa lahat ng mga anak ni Israel ang lahat ng mga tungkod mula sa harap ni Jehova, at tiningnan nila at kinuha ng bawat lalaki ang kaniyang sariling tungkod. 10  Pagkatapos ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Ibalik mo ang tungkod ni Aaron+ sa harap ng Patotoo bilang isang bagay na iingatang pinakatanda+ sa mga anak ng paghihimagsik,+ upang matigil ang kanilang mga bulung-bulungan laban sa akin, upang hindi sila mamatay.” 11  Kaagad na ginawa ni Moises ang gaya ng iniutos ni Jehova sa kaniya. Gayung-gayon ang ginawa niya. 12  At ang mga anak ni Israel ay nagsabi ng ganito kay Moises: “Ngayon ay tiyak na papanaw kami, tiyak na malilipol kami, tiyak na malilipol kaming lahat.+ 13  Ang sinumang lalapit,+ na lumalapit sa tabernakulo ni Jehova, ay mamamatay!+ Hahantong ba kami sa pagpanaw sa gayong paraan?”+

Talababa