Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 12:1-16

12  At nagsalita si Miriam at si Aaron laban kay Moises dahil sa asawang Cusita na kinuha niya, sapagkat isang asawang Cusita ang kinuha niya.+  At lagi nilang sinasabi: “Sa pamamagitan lamang ba ni Moises nagsasalita si Jehova? Hindi ba sa pamamagitan din natin ay nagsasalita siya?”+ At nakikinig si Jehova.+  At ang lalaking si Moises ay totoong pinakamaamo+ sa lahat ng taong nasa ibabaw ng lupa.  Kaagad namang sinabi ni Jehova kay Moises at kay Aaron at kay Miriam: “Lumabas kayo, kayong tatlo, patungo sa tolda ng kapisanan.” Kaya lumabas silang tatlo.  Pagkatapos ay bumaba si Jehova sa haliging ulap+ at tumayo sa pasukan ng tolda at tinawag si Aaron at si Miriam. Sa gayon ay kapuwa sila lumabas.  At sinabi niya: “Pakinggan ninyo ang aking mga salita, pakisuyo. Kung may propeta sa inyo para kay Jehova, sa pangitain+ ako magpapakilala sa kaniya. Sa panaginip+ ako magsasalita sa kaniya.  Hindi gayon sa aking lingkod na si Moises!+ Sa kaniya ipinagkakatiwala ang aking buong sambahayan.+  Bibig sa bibig akong nagsasalita sa kaniya,+ sa gayon ay ipinakikita sa kaniya, at hindi sa pamamagitan ng mga bugtong;+ at ang kaanyuan ni Jehova ang kaniyang namamasdan.+ Bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”+  At ang galit ni Jehova ay nag-init laban sa kanila, at yumaon siya. 10  At ang ulap ay lumayo mula sa ibabaw ng tolda, at, narito! si Miriam ay kinapitan ng ketong na kasimputi ng niyebe.+ Nang magkagayon ay bumaling si Aaron kay Miriam, at, narito! kinapitan siya ng ketong.+ 11  Kaagad na sinabi ni Aaron kay Moises: “Pagpaumanhinan mo ako, panginoon ko! Pakisuyo, huwag mong ipataw sa amin ang kasalanan na ikinilos namin nang may kamangmangan at nagawa namin!+ 12  Pakisuyo, huwag mo siyang panatilihing gaya ng isang patay,+ na ang kalahati ng kaniyang laman pagkalabas niya sa bahay-bata ng kaniyang ina ay agnas na!” 13  At dumaing si Moises kay Jehova, na sinasabi: “O Diyos, pakisuyo! Pagalingin mo siya, pakisuyo!”+ 14  Nang magkagayon ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Kung duduraan+ siya ng kaniyang ama sa kaniya mismong mukha, hindi ba siya mapapahiya nang pitong araw? Ikuwarentenas+ siya nang pitong araw sa labas ng kampo,+ at pagkatapos ay tanggapin siya sa loob.”+ 15  Sa gayon ay ikinuwarentenas si Miriam sa labas ng kampo nang pitong araw,+ at hindi lumisan ang bayan hanggang sa tanggapin si Miriam sa loob. 16  At pagkatapos ay lumisan ang bayan mula sa Hazerot+ at nagkampo sa ilang ng Paran.+

Talababa