Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Bilang 11:1-35

11  At ang bayan ay naging gaya ng mga taong may masamang bagay na inirereklamo sa pandinig ni Jehova.+ Nang marinig iyon ni Jehova ay nag-init ang kaniyang galit, at isang apoy ni Jehova ang lumagablab laban sa kanila at tinupok ang ilan na nasa dulo ng kampo.+  Nang dumaing kay Moises ang bayan, siya ay nagsumamo kay Jehova,+ at nasawata ang apoy.  At ang pangalan ng dakong iyon ay tinawag na Tabera,+ sapagkat isang apoy ni Jehova ang lumagablab laban sa kanila.  At ang haluang pulutong+ na nasa gitna nila ay nagpakita ng sakim na pagnanasa,+ at ang mga anak ni Israel din ay tumangis na muli at nagsabi: “Sino ang magbibigay sa amin ng karneng makakain?+  Naaalaala pa namin ang isda na kinakain namin noon sa Ehipto nang walang bayad,+ ang mga pipino at ang mga pakwan at ang mga puero at ang mga sibuyas at ang bawang!  Ngunit ngayon ay natutuyo ang aming kaluluwa. Walang anumang nakikita ang aming mga mata kundi ang manna.”+  At ang manna+ ay tulad ng buto ng kulantro,+ at ang hitsura nito ay tulad ng hitsura ng sahing ng bedelio.+  Ang bayan ay nangangalat at namumulot niyaon+ at ginigiling iyon sa mga gilingang pangkamay o dinidikdik iyon sa almires, at pinakukuluan nila iyon sa mga palayok+ o ginagawang mga tinapay na bilog, at ang lasa nito ay tulad ng lasa ng nilangisang tinapay na matamis.+  At kapag bumababa ang hamog sa ibabaw ng kampo sa gabi, ang manna ay bumababa sa ibabaw nito.+ 10  At narinig ni Moises ang bayan na tumatangis sa kanilang mga pamilya, bawat tao sa pasukan ng kaniyang tolda. At lubhang nag-init ang galit ni Jehova,+ at sa paningin ni Moises ay masama ito.+ 11  Nang magkagayon ay sinabi ni Moises kay Jehova: “Bakit ka nagpangyari ng kasamaan sa iyong lingkod, at bakit hindi ako nakasumpong ng lingap sa iyong paningin, sa pag-aatang sa akin ng pasan ng buong bayang ito?+ 12  Ako ba mismo ang naglihi sa buong bayang ito? Ako ba ang nagsilang sa kanila, anupat sasabihin mo sa akin, ‘Buhatin mo sila sa iyong dibdib,+ kung paanong binubuhat ng yayang lalaki ang pasusuhin,’+ hanggang sa lupa na ipinanumpa mo sa kanilang mga ninuno?+ 13  Saan ako kukuha ng karne upang ibigay sa buong bayang ito? Sapagkat lagi silang tumatangis sa akin, na sinasabi, ‘Bigyan mo kami ng karne, at pakainin mo kami!’ 14  Hindi ko kaya, kung ako lamang mag-isa, na dalhin ang buong bayang ito, sapagkat napakabigat nila para sa akin.+ 15  Kaya kung ganito ang ginagawa mo sa akin, pakisuyong patayin mo na lamang ako,+ kung nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin, at huwag ko nang makita ang aking kapahamakan.” 16  Sinabi naman ni Jehova kay Moises: “Magtipon ka para sa akin ng pitumpung lalaki mula sa matatandang lalaki ng Israel,+ na kilala mong sila ay matatandang lalaki ng bayan at mga opisyal sa kanila,+ at dalhin mo sila sa tolda ng kapisanan, at tatayo sila roong kasama mo. 17  At bababa ako+ at makikipag-usap sa iyo roon;+ at kukunin ko ang ilang bahagi ng espiritu+ na sumasaiyo at ilalagay ko iyon sa kanila, at tutulungan ka nila sa pagdadala ng pasan ng bayan upang huwag mong dalhin iyon, na ikaw lamang mag-isa.+ 18  At sa bayan ay sasabihin mo, ‘Pabanalin ninyo ang inyong sarili para sa kinabukasan,+ dahil tiyak na kakain kayo ng karne, sapagkat tumangis kayo sa pandinig ni Jehova,+ na sinasabi: “Sino ang magbibigay sa amin ng karneng makakain, sapagkat mabuti ang kalagayan namin noon sa Ehipto?”+ At tiyak na bibigyan kayo ni Jehova ng karne, at kakain nga kayo.+ 19  Kakain kayo, hindi isang araw ni dalawang araw ni limang araw ni sampung araw ni dalawampung araw, 20  kundi hanggang sa isang buwan ng mga araw, hanggang sa lumabas iyon sa mga butas ng inyong ilong at iyon ay maging karima-rimarim sa inyo,+ sapagkat itinakwil ninyo si Jehova, na nasa gitna ninyo, at nanangis kayo sa harap niya, na sinasabi: “Bakit pa kami lumabas ng Ehipto?”’”+ 21  At sinabi ni Moises: “Ang bayan na kinaroroonan ko ay anim na raang libong lalaking+ naglalakad, gayunma’y ikaw—ikaw ay nagsabi, ‘Bibigyan ko sila ng karne, at tiyak na kakain sila sa loob ng isang buwan ng mga araw’! 22  Papatayin ba ang mga kawan at ang mga bakahan para sa kanila, upang iyon ay sumapat sa kanila?+ O huhulihin ba ang lahat ng isda sa dagat para sa kanila, upang iyon ay sumapat sa kanila?” 23  Dito ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Ang kamay ba ni Jehova ay umikli?+ Ngayon ay makikita mo kung ang sinasabi ko ay mangyayari sa iyo o hindi.”+ 24  Pagkatapos nito ay lumabas si Moises at sinalita sa bayan ang mga salita ni Jehova. At nagtipon siya ng pitumpung lalaki mula sa matatandang lalaki ng bayan at pinatayo sila sa palibot ng tolda.+ 25  At bumaba si Jehova sa isang ulap+ at nagsalita sa kaniya+ at kumuha ng ilang bahagi ng espiritu+ na sumasakaniya at inilagay iyon sa bawat isa sa pitumpung matatandang lalaki. At nangyari nga, nang mapasakanila ang espiritu ay gumanap sila bilang mga propeta; ngunit hindi na nila iyon ginawang muli.+ 26  At dalawa sa mga lalaki ang naiwan sa kampo. Ang pangalan ng isa ay Eldad, at ang pangalan ng isa pa ay Medad. At ang espiritu ay napasakanila, yamang kabilang sila roon sa mga nakasulat, ngunit hindi sila lumabas patungo sa tolda. At gumanap sila bilang mga propeta sa kampo. 27  At ang isang kabataang lalaki ay tumakbo at nag-ulat kay Moises at nagsabi: “Si Eldad at si Medad ay gumaganap bilang mga propeta sa kampo!” 28  At si Josue na anak ni Nun, na lingkod+ ni Moises mula sa kaniyang pagkabinata, ay tumugon at nagsabi: “Panginoon kong Moises, pigilan mo sila!”+ 29  Ngunit sinabi ni Moises sa kaniya: “Naninibugho ka ba para sa akin? Huwag, nais ko nga na ang buong bayan ni Jehova ay maging mga propeta, sapagkat kung gayon ay ilalagay ni Jehova sa kanila ang kaniyang espiritu!”+ 30  Sa kalaunan ay pumaroon si Moises sa kampo, siya at ang matatandang lalaki ng Israel. 31  At isang hangin+ ang bumugso mula kay Jehova at nagtaboy ng mga pugo mula sa dagat+ at pinalapag ang mga iyon sa ibabaw ng kampo na mga isang araw na paglalakbay patungo rito at mga isang araw na paglalakbay patungo roon, sa buong palibot ng kampo, at mga dalawang siko ang taas sa ibabaw ng lupa. 32  Nang magkagayon ay bumangon ang bayan nang buong araw na iyon at nang buong gabi at nang buong araw na sumunod at tinipon ang mga pugo. Ang nanguha ng pinakakaunti ay nakapagtipon ng sampung homer,+ at inilatag nila nang malawakan ang mga iyon sa buong palibot ng kampo para sa kanilang sarili. 33  Ang karne ay nasa pagitan pa ng kanilang mga ngipin,+ bago pa iyon manguya, nang lumagablab ang galit ni Jehova+ laban sa bayan, at sinaktan ni Jehova ang bayan sa isang lubhang lansakang pagpatay.+ 34  Ang pangalan ng dakong iyon ay tinawag na Kibrot-hataava,+ sapagkat doon nila inilibing ang mga tao na nagpakita ng sakim na paghahangad.+ 35  Mula sa Kibrot-hataava ay lumisan ang bayan patungo sa Hazerot, at nanatili sila sa Hazerot.+

Talababa