Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 99:1-9

99  Si Jehova ay naging hari.+ Maligalig ang mga bayan.+Siya ay nakaupo sa mga kerubin.+ Mayanig ang lupa.+   Si Jehova ay dakila sa Sion,+At siya ay mataas sa lahat ng mga bayan.+   Purihin nila ang iyong pangalan.+Dakila at kakila-kilabot, iyon ay banal.+   At taglay ang lakas ng isang hari ay inibig niya ang kahatulan.+Ikaw ay matibay na nagtatag ng katapatan.+Kahatulan at katuwiran sa Jacob ang siyang pinangyari mo.+   Dakilain ninyo si Jehova na ating Diyos+ at yumukod kayo sa harap ng kaniyang tuntungan;+Siya ay banal.+   Si Moises at si Aaron ay kabilang sa mga saserdote niya,+At si Samuel ay kabilang sa mga tumatawag sa kaniyang pangalan.+Tumatawag sila kay Jehova, at siya mismo ay sumasagot sa kanila.+   Sa haliging ulap ay nagsasalita siya sa kanila.+Tinupad nila ang kaniyang mga paalaala at ang tuntunin na ibinigay niya sa kanila.+   O Jehova na aming Diyos, ikaw mismo ay sumagot sa kanila.+Sa kanila ay naging isa kang Diyos na nagpapaumanhin,+At naglalapat ng paghihiganti laban sa kanilang kahiya-hiyang mga gawa.+   Dakilain ninyo si Jehova na ating Diyos+At yumukod kayo sa kaniyang banal na bundok.+Sapagkat si Jehova na ating Diyos ay banal.+

Talababa