Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 98:1-9

Isang awitin. 98  Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+ Sapagkat kamangha-mangha ang mga bagay na kaniyang ginawa.+ Ang kaniyang kanang kamay, maging ang kaniyang banal na bisig, ay nagtamo ng kaligtasan para sa kaniya.+   Ipinakilala ni Jehova ang kaniyang pagliligtas;+ Sa paningin ng mga bansa ay isiniwalat niya ang kaniyang katuwiran.+   Inalaala niya ang kaniyang maibiging-kabaitan at ang kaniyang katapatan sa sambahayan ng Israel.+ Nakita ng lahat ng mga dulo ng lupa ang pagliligtas ng ating Diyos.+   May-pagbubunyi kayong sumigaw kay Jehova, lahat kayong mga tao sa lupa.+ Magsaya kayo at humiyaw nang may kagalakan at umawit.+   Tumugtog kayo para kay Jehova sa alpa,+ Sa alpa at sa tinig ng awitin.+   Sa mga trumpeta at sa tunog ng tambuli+ May-pagbubunyi kayong sumigaw sa harap ng Hari, si Jehova.   Umugong ang dagat at ang lahat ng naroroon,+ Ang mabungang lupain at ang mga tumatahan doon.+   Ipalakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay; Sama-samang humiyaw nang may kagalakan ang mga bundok+   Sa harap ni Jehova, sapagkat dumarating siya upang hatulan ang lupa.+ Hahatulan niya sa katuwiran+ ang mabungang lupain At sa katapatan ang mga bayan.+

Talababa