Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

Awit 97:1-12

97  Si Jehova ay naging hari!+ Magalak ang lupa.+Magsaya ang maraming pulo.+   Mga ulap at makapal na karimlan ang nasa buong palibot niya;+Ang katuwiran at ang kahatulan ang siyang tatag na dako ng kaniyang trono.+   Sa unahan niya ay may apoy na yumayaon,+At nilalamon nito ang kaniyang mga kalaban sa buong palibot.+   Niliwanagan ng kaniyang mga kidlat ang mabungang lupain;+Nakita ng lupa at dumanas ng matitinding kirot.+   Ang mga bundok ay natunaw na tulad ng pagkit dahil kay Jehova,+Dahil sa Panginoon ng buong lupa.+   Ipinahayag ng langit ang kaniyang katuwiran,+At nakita ng lahat ng bayan ang kaniyang kaluwalhatian.+   Mapahiya nawa ang lahat ng naglilingkod sa anumang inukit na imahen,+Yaong mga naghahambog tungkol sa kanilang walang-silbing mga diyos.+Yumukod kayo sa kaniya, lahat kayong mga diyos.+   Narinig ng Sion at nagsimulang magsaya,+At ang mga sakop na bayan ng Juda ay nagsimulang magalak+Dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya, O Jehova.+   Sapagkat ikaw, O Jehova, ang Kataas-taasan sa buong lupa;+Ikaw ay lubhang mataas sa iyong pagkakataas sa lahat ng iba pang diyos.+ 10  O kayong mga umiibig kay Jehova,+ kapootan ninyo ang kasamaan.+Binabantayan niya ang mga kaluluwa ng kaniyang mga matapat;+Mula sa kamay ng mga balakyot ay inililigtas niya sila.+ 11  Ang liwanag ay suminag para sa matuwid,+At ang pagsasaya para nga sa mga matapat ang puso.+ 12  Magsaya kayo kay Jehova, O kayong mga matuwid,+At magpasalamat kayo sa kaniyang banal na pang-alaala.+

Talababa