Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 95:1-11

95  O halikayo at humiyaw tayo nang may kagalakan kay Jehova!+ May-pagbubunyi tayong sumigaw sa ating Bato ng kaligtasan.+   Lumapit tayo sa harap niya taglay ang pasasalamat;+ May-pagbubunyi tayong sumigaw sa kaniya taglay ang mga awitin.+   Sapagkat si Jehova ay dakilang Diyos+ At dakilang Hari sa lahat ng iba pang diyos,+   Siya na sa kaniyang kamay ay naroon ang mga kaila-ilaliman ng lupa+ At siyang nagmamay-ari ng mga taluktok ng mga bundok;+   Na nagmamay-ari ng dagat, na kaniya mismong ginawa,+ At ang kaniya mismong mga kamay ang nag-anyo ng tuyong lupa.+   O pumarito kayo, sumamba tayo at yumukod;+ Lumuhod+ tayo sa harap ni Jehova na ating Maylikha.+   Sapagkat siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan ng kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay.+ Kung ngayon ay maririnig ninyo ang kaniyang tinig,+   Huwag ninyong patigasin ang inyong puso gaya ng sa Meriba,+ Gaya noong araw ng Masah sa ilang,+   Nang ilagay ako ng inyong mga ninuno sa pagsubok;+ Sinuri nila ako, nakita rin nila ang aking mga gawa.+ 10  Sa loob ng apatnapung taon ay naririmarim ako sa salinlahing iyon,+ At sinabi ko: “Sila ay isang bayang liko ang puso,+ At hindi nila nalalaman ang aking mga daan”;+ 11  May kinalaman sa kanila ay sumumpa ako sa aking galit:+ “Hindi sila papasok sa aking pahingahang-dako.”+

Talababa