Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 91:1-16

91  Ang sinumang tumatahan sa lihim na dako+ ng Kataas-taasan+ Ay makasusumpong ng kaniyang matutuluyan sa pinakalilim ng Makapangyarihan-sa-lahat.+   Sasabihin ko kay Jehova: “Ikaw ang aking kanlungan at aking moog,+ Ang aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.”+   Sapagkat siya ang magliligtas sa iyo mula sa bitag ng manghuhuli ng ibon,+ Mula sa salot na nagdudulot ng mga kapighatian.+   Sa pamamagitan ng kaniyang mga bagwis ay haharangan niya ang lalapit sa iyo,+ At sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka.+ Ang kaniyang katapatan+ ay magiging isang malaking kalasag+ at balwarte.   Hindi ka matatakot sa anumang bagay na nakapanghihilakbot sa gabi,+ Ni sa palaso+ na lumilipad sa araw,   Ni sa salot na lumalakad sa karimlan,+ Ni sa pagkapuksa na nananamsam sa katanghaliang tapat.+   Isang libo ang mabubuwal sa iyo mismong tabi At sampung libo sa iyong kanan; Sa iyo ay hindi iyon lalapit.+   Titingnan mo lamang ng iyong mga mata+ At makikita mo ang kagantihan sa mga balakyot.+   Sapagkat sinabi mo: “Si Jehova ang aking kanlungan,”+ Ginawa mong iyong tahanan ang mismong Kataas-taasan;+ 10  Walang kapahamakang mangyayari sa iyo,+ At ni isa mang salot ay hindi lalapit sa iyong tolda.+ 11  Sapagkat magbibigay siya ng utos sa kaniyang sariling mga anghel may kinalaman sa iyo,+ Upang bantayan ka sa lahat ng iyong mga lakad.+ 12  Bubuhatin ka nila sa kanilang mga kamay,+ Upang hindi mo maihampas ang iyong paa sa anumang bato.+ 13  Ang batang leon at ang kobra ay tatapakan mo;+ Yuyurakan mo ang may-kilíng na batang leon at ang malaking ahas.+ 14  Dahil iniukol niya sa akin ang kaniyang pagmamahal,+ Paglalaanan ko rin siya ng pagtakas.+ Ipagsasanggalang ko siya sapagkat nalaman niya ang aking pangalan.+ 15  Tatawag siya sa akin, at sasagutin ko siya.+ Ako ay sasakaniya sa kabagabagan.+ Ililigtas ko siya at luluwalhatiin siya.+ 16  Bubusugin ko siya ng kahabaan ng mga araw,+ At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.+

Talababa