Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 90:1-17

Panalangin ni Moises, na lalaki ng tunay na Diyos.+ 90  O Jehova, ikaw ay naging tunay na tahanang dako namin+ Sa sali’t salinlahi.+   Bago naipanganak ang mga bundok,+ O bago mo iniluwal na waring may mga kirot ng pagdaramdam ang lupa+ at ang mabungang lupain,+ Mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos.+   Pinababalik mo ang taong mortal sa durog na bagay,+ At sinasabi mo: “Bumalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.”+   Sapagkat ang isang libong taon sa iyong paningin ay gaya lamang ng kahapon kapag ito ay nakalipas na,+ At gaya ng isang pagbabantay sa gabi.+   Pinalis mo sila;+ sila ay nagiging gaya lamang ng pagtulog;+ Sa umaga ay gaya sila ng luntiang damo na nagbabago.+   Sa umaga ay namumulaklak ito at nagbabago;+ Sa gabi ay nalalanta ito at natutuyo nga.+   Sapagkat sumapit kami sa kawakasan sa iyong galit,+ At dahil sa iyong pagngangalit ay naligalig kami.+   Inilagay mo ang aming mga kamalian sa mismong harap mo,+ Ang mga nakatagong bagay namin sa harapan ng iyong maningning na mukha.+   Sapagkat ang lahat ng aming mga araw ay sumasapit sa kanilang pagtatapos dahil sa iyong poot;+ Natapos namin ang aming mga taon na katulad lamang ng bulong.+ 10  Sa ganang sarili ang mga araw ng aming mga taon ay pitumpung taon;+ At kung dahil sa natatanging kalakasan ay walumpung taon,+ Ngunit ang pinagpupunyagian nila ay ang kabagabagan at nakasasakit na mga bagay;+ Sapagkat madali itong lumilipas, at kami ay lumilipad na.+ 11  Sino ang nakaaalam ng tindi ng iyong galit+ At ng iyong poot ayon sa pagkatakot sa iyo?+ 12  Ipakita mo sa amin kung paano bibilangin ang aming mga araw+ Upang makapagtamo kami ng pusong may karunungan.+ 13  Bumalik ka, O Jehova!+ Hanggang kailan pa?+ At ikalungkot mo ang tungkol sa iyong mga lingkod.+ 14  Busugin mo kami sa umaga ng iyong maibiging-kabaitan,+ Upang humiyaw kami nang may kagalakan at magsaya sa lahat ng aming mga araw.+ 15  Pasayahin mo kami katumbas ng mga araw na ipinighati mo sa amin,+ Ng mga taon na nakakita kami ng kapahamakan.+ 16  Makita nawa ng iyong mga lingkod ang iyong mga gawa+ At ang iyong karilagan sa kanilang mga anak.+ 17  At sumaamin nawa ang kaigayahan ni Jehova na aming Diyos,+ At ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo nga nang matibay sa amin.+ Oo, ang gawa ng aming mga kamay, itatag mo nga nang matibay.+

Talababa