Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 9:1-20

Sa tagapangasiwa ng Mut-laben. Awitin ni David. א [Alep] 9  Pupurihin kita, O Jehova, nang aking buong puso;+ Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga kamangha-manghang gawa.+   Ako ay magsasaya at magbubunyi sa iyo,+ Aawit ako sa iyong pangalan, O Kataas-taasan.+ ב [Bet]   Kapag bumalik ang aking mga kaaway,+ Sila ay matitisod at maglalaho mula sa harap mo.+   Sapagkat isinagawa mo ang aking kahatulan at ang aking usapin;+ Ikaw ay umupo sa trono na humahatol taglay ang katuwiran.+ ג [Gimel]   Sinaway mo ang mga bansa,+ pinuksa mo ang balakyot.+ Pinawi mo ang kanilang pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+   O ikaw na kaaway, ang iyong mga pagkatiwangwang ay dumating na sa kanilang walang-hanggang katapusan,+ At ang mga lunsod na iyong binunot.+ Ang mismong pagbanggit sa kanila ay tiyak na maglalaho.+ ה [He]   Kung tungkol kay Jehova, siya ay uupo hanggang sa panahong walang takda,+ Na itinatatag nang matibay ang kaniyang trono para sa kahatulan.+   At hahatulan niya sa katuwiran ang mabungang lupain;+ Lilitisin niya sa katapatan ang mga liping pambansa.+ ו [Waw]   At si Jehova ay magiging matibay na kaitaasan para sa sinumang nasisiil,+ Isang matibay na kaitaasan sa mga panahon ng kabagabagan.+ 10  At yaong mga nakaaalam ng iyong pangalan ay magtitiwala sa iyo,+ Sapagkat tiyak na hindi mo iiwan yaong mga humahanap sa iyo, O Jehova.+ ז [Zayin] 11  Umawit kayo kay Jehova, na siyang tumatahan sa Sion;+ Sabihin ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.+ 12  Sapagkat, kapag naghahanap ng pagbububo ng dugo,+ aalalahanin nga niya ang mga iyon;+ Tiyak na hindi niya lilimutin ang daing ng mga napipighati.+ ח [Ket] 13  Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova; tingnan mo ang aking kapighatian dahil sa mga napopoot sa akin,+ O ikaw na nag-aahon sa akin mula sa mga pintuang-daan ng kamatayan,+ 14  Upang maipahayag ko ang lahat ng iyong mga gawang kapuri-puri+ Sa mga pintuang-daan+ ng anak na babae ng Sion,+ Upang magalak ako sa iyong pagliligtas.+ ט [Tet] 15  Ang mga bansa ay lumubog sa hukay na kanilang ginawa;+ Sa lambat+ na kanilang itinago, ang kanilang sariling paa ang nahuli.+ 16  Si Jehova ay kilala sa kahatulang kaniyang inilapat.+ Sa gawa ng kaniyang mga kamay ay nasilo ang balakyot.+ Higayon. Selah. י [Yod] 17  Ang mga taong balakyot+ ay babalik sa Sheol,+ Maging ang lahat ng mga bansang lumilimot sa Diyos.+ 18  Sapagkat hindi laging malilimutan ang dukha,+ Ni maglalaho ang pag-asa ng maaamo kailanman.+ כ [Kap] 19  Bumangon ka, O Jehova! Huwag mong hayaang manaig ang kalakasan ng taong mortal.+ Mahatulan nawa ang mga bansa sa harap ng iyong mukha.+ 20  Sidlan mo sila ng takot, O Jehova,+ Upang malaman ng mga bansa na sila ay mga taong mortal lamang.+ Selah.

Talababa