Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 88:1-18

Isang awit, isang awitin ng mga anak ni Kora. Sa tagapangasiwa ng Mahalat para sa mga pagtugon. Maskil ni Heman+ na Ezrahita. 88  O Jehova, na Diyos ng aking kaligtasan,+ Sa araw ay dumaing ako,+ Sa gabi rin sa harap mo.+   Sa harap mo ay darating ang aking panalangin.+ Ikiling mo ang iyong pandinig sa aking pagsusumamo.+   Sapagkat ang aking kaluluwa ay sawa na sa mga kapahamakan,+ At ang akin mismong buhay ay nalapit na sa Sheol.+   Ako ay napabilang na kasama niyaong mga bumababa sa hukay;+ Ako ay naging tulad ng matipunong lalaki na walang lakas,+   Napalaya na sa gitna ng mga patay,+ Tulad ng mga napatay na nakahiga sa dakong libingan,+ Na hindi mo na inalaala pa At inihiwalay mula sa iyong matulunging kamay.+   Inilagay mo ako sa kalalim-lalimang hukay, Sa madidilim na dako, sa malaking kalaliman.+   Ang iyong pagngangalit ay humagis sa akin,+ At pinighati mo ako ng lahat ng iyong dumadaluyong na mga alon.+ Selah.   Inilayo mo sa akin ang mga kakilala ko;+ Ginawa mo akong lubhang karima-rimarim sa kanila.+ Ako ay nakakulong at hindi makalabas.+   Ang aking mata ay nanghina dahil sa aking kapighatian.+ Ako ay tumawag sa iyo, O Jehova, buong araw;+ Sa iyo ay iniunat ko ang aking mga palad.+ 10  Gagawa ka ba ng kamangha-manghang bagay para sa mga patay na?+ O babangon ba yaong mga inutil sa kamatayan,+ Pupurihin ka ba nila?+ Selah. 11  Ipahahayag ba sa dakong libingan ang iyong maibiging-kabaitan, Ang iyong katapatan sa dako ng pagkapuksa?+ 12  Malalaman ba sa kadiliman+ ang kamangha-manghang bagay na iyong ginawa, O ang iyong katuwiran sa lupain ng paglimot?+ 13  Ngunit sa iyo, O Jehova, ay humingi ako ng tulong,+ At sa umaga ay lagi kang sinasalubong ng aking panalangin.+ 14  O Jehova, bakit mo itinatakwil ang aking kaluluwa?+ Bakit mo pinananatiling nakakubli sa akin ang iyong mukha?+ 15  Ako ay napipighati at muntik nang pumanaw mula pa sa aking pagkabata;+ Ako ay lubhang nagtiis ng nakatatakot na mga bagay mula sa iyo.+ 16  Ang iyong mga siklab ng nag-aapoy na galit ay dumaan sa akin;+ Pinatahimik ako ng mga kakilabutan na nagmula sa iyo.+ 17  Pinalibutan ako ng mga iyon na parang tubig buong araw;+ Kinulong ako ng mga ito nang sabay-sabay. 18  Inilayo mo sa akin ang kaibigan at kasamahan;+ Ang mga kakilala ko ay madilim na dako.+

Talababa