Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 86:1-17

Panalangin ni David. 86  O Jehova, ikiling mo ang iyong pandinig. Sagutin mo ako,+ Sapagkat ako ay napipighati at dukha.+   O bantayan mo ang aking kaluluwa, sapagkat ako ay matapat.+ Iligtas mo ang iyong lingkod—ikaw ang aking Diyos—na nagtitiwala sa iyo.+   Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova,+ Sapagkat sa iyo ay lagi akong tumatawag buong araw.+   Pasayahin mo ang kaluluwa ng iyong lingkod,+ Sapagkat sa iyo, O Jehova, ay itinataas ko ang akin mismong kaluluwa.+   Sapagkat ikaw, O Jehova, ay mabuti+ at handang magpatawad;+ At ang maibiging-kabaitan sa lahat ng tumatawag sa iyo ay sagana.+   Makinig ka, O Jehova, sa aking panalangin;+ At magbigay-pansin ka sa tinig ng aking mga pamamanhik.+   Sa araw ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo,+ Sapagkat sasagutin mo ako.+   Walang katulad mo sa gitna ng mga diyos, O Jehova,+ Ni mayroon mang mga gawa na tulad ng sa iyo.+   Ang lahat ng mga bansa na ginawa mo ay darating,+ At yuyukod sila sa harap mo, O Jehova,+ At magbibigay ng kaluwalhatian sa iyong pangalan.+ 10  Sapagkat ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay;+ Ikaw ang Diyos, ikaw lamang.+ 11  Turuan mo ako, O Jehova, ng tungkol sa iyong daan.+ Lalakad ako sa iyong katotohanan.+ Pagkaisahin mo ang aking puso na matakot sa iyong pangalan.+ 12  Pinupuri kita, O Jehova na aking Diyos, nang aking buong puso,+ At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda, 13  Sapagkat malaki ang iyong maibiging-kabaitan sa akin,+ At iniligtas mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol, sa pinakamababang dako nito.+ 14  O Diyos, ang mga pangahas ay bumangon laban sa akin;+ At hinanap ng kapulungan ng mga mapaniil ang aking kaluluwa,+ At hindi ka nila inilagay sa harap nila.+ 15  Ngunit ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at magandang-loob,+ Mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan at katapatan.+ 16  Bumaling ka sa akin at pagpakitaan mo ako ng lingap.+ Ibigay mo ang iyong lakas sa iyong lingkod,+ At iligtas mo ang anak ng iyong aliping babae.+ 17  Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti, Upang makita iyon ng mga napopoot sa akin at mapahiya sila.+ Sapagkat ikaw mismo, O Jehova, ang tumulong sa akin at umaliw sa akin.+

Talababa