Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 85:1-13

Para sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora. Isang awitin. 85  Ikaw ay nalugod, O Jehova, sa iyong lupain;+ Ibinalik mo ang mga kinuhang bihag mula sa Jacob.+   Pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng iyong bayan;+ Tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan.+ Selah.   Sinupil mo ang buo mong poot;+ Tinalikuran mo ang init ng iyong galit.+   Tipunin mo kaming muli, O Diyos ng aming kaligtasan,+ At itigil mo ang iyong pagkayamot sa amin.+   Magagalit ka ba sa amin hanggang sa panahong walang takda?+ Ipagpapatuloy mo ba ang iyong galit hanggang sa sali’t salinlahi?+   Hindi mo ba kami muling bibigyang-sigla,+ Upang ang iyong bayan ay magsaya sa iyo?+   Ipakita mo sa amin, O Jehova, ang iyong maibiging-kabaitan,+ At ang iyong pagliligtas ay ibigay mo nawa sa amin.+   Pakikinggan ko ang sasalitain ng tunay na Diyos na si Jehova,+ Sapagkat magsasalita siya ng kapayapaan sa kaniyang bayan+ at sa kaniyang mga matapat, Ngunit huwag nawa silang bumalik sa pagtitiwala sa sarili.+   Tiyak na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa mga may takot sa kaniya,+ Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa ating lupain.+ 10  Kung tungkol sa maibiging-kabaitan at katapatan, sila ay nagsalubong;+ Ang katuwiran at ang kapayapaan—sila ay naghalikan.+ 11  Ang katapatan ay sisibol mula sa mismong lupa,+ At ang katuwiran ay dudungaw mula sa mismong langit.+ 12  Gayundin, si Jehova, sa ganang kaniya, ay magbibigay ng mabuti,+ At ang ating sariling lupain ay magbibigay ng ani nito.+ 13  Sa harap niya ay lalakad ang katuwiran,+ At gagawa ito ng daan sa pamamagitan ng kaniyang mga hakbang.+

Talababa