Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 84:1-12

Para sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Ng mga anak ni Kora. Isang awitin. 84  Kay ganda ng iyong maringal na tabernakulo,+O Jehova ng mga hukbo!+   Ninanasa at minimithi rin ng aking kaluluwa ang mga looban ni Jehova.+Ang aking puso at ang akin mismong laman ay humihiyaw nang may kagalakan sa Diyos na buháy.+   Maging ang ibon man ay nakasumpong ng bahay,At ang langay-langayan ng pugad para sa kaniyang sarili,Kung saan niya inilalagay ang kaniyang mga inakáy—Ang iyong maringal na altar, O Jehova ng mga hukbo, aking Hari at aking Diyos!   Maligaya ang mga tumatahan sa iyong bahay!+Palagi ka pa rin nilang pinupuri.+ Selah.   Maligaya ang mga tao na ang lakas ay nasa iyo,+Na nasa kanilang puso ang mga lansangang-bayan.+   Sa pagdaraan sa mababang kapatagan ng mga palumpong na baca,+Ginagawa nila itong isang bukal;Binabalutan ng tagapagturo+ ang kaniyang sarili ng mga pagpapala.   Sila ay lalakad sa kalakasan at kalakasan;+Ang bawat isa ay humaharap sa Diyos sa Sion.+   O Jehova na Diyos ng mga hukbo, dinggin mo ang aking panalangin;+Pakinggan mo, O Diyos ni Jacob.+ Selah.   O aming kalasag, tingnan mo, O Diyos,+At tumingin ka sa mukha ng iyong pinahiran.+ 10  Sapagkat ang isang araw sa iyong mga looban ay mas mabuti kaysa sa isang libo sa ibang dako.+Pinili kong tumayo sa pintuan ng bahay ng aking Diyos+Sa halip na maglibot sa mga tolda ng kabalakyutan.+ 11  Sapagkat ang Diyos na Jehova ay araw+ at kalasag;+Lingap at kaluwalhatian ang ibinibigay niya.+Si Jehova ay hindi magkakait ng anumang mabuti sa mga lumalakad sa kawalang-pagkukulang.+ 12  O Jehova ng mga hukbo, maligaya ang tao na nagtitiwala sa iyo.+

Talababa