Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 83:1-18

Isang awit. Awitin ni Asap.+ 83  O Diyos, huwag nawang magkaroon ng katahimikan sa ganang iyo;+ Huwag kang manatiling walang imik, at huwag kang manahimik, O Makapangyarihan.+   Sapagkat, narito! ang iyo mismong mga kaaway ay nagkakagulo;+ At ang mga masidhing napopoot sa iyo ay nagtaas ng kanilang ulo.+   May-katusuhan nilang isinasagawa ang kanilang lihim na usapan laban sa iyong bayan;+ At nagsasabuwatan sila laban sa iyong mga nakakubli.+   Sinabi nila: “Halikayo at pawiin natin sila mula sa pagiging isang bansa,+ Upang ang pangalan ng Israel ay hindi na maalaala pa.”+   Sapagkat sa puso ay may-pagkakaisa silang nagsanggunian;+ Laban sa iyo ay nagtibay sila ng isang tipan,+   Ang mga tolda ng Edom+ at ng mga Ismaelita, ng Moab+ at ng mga Hagrita,+   Ng Gebal at ng Ammon+ at ng Amalek, Ng Filistia+ kasama ng mga tumatahan sa Tiro.+   Gayundin, ang Asirya ay sumama sa kanila;+ Sila ay naging bisig ng mga anak ni Lot.+ Selah.   Gawin mo sa kanila ang gaya ng sa Midian,+ gaya ng kay Sisera,+ Gaya ng kay Jabin+ sa agusang libis ng Kison.+ 10  Nilipol sila sa En-dor;+ Sila ay naging dumi para sa lupa.+ 11  Kung tungkol sa kanilang mga taong mahal, gawin mo silang tulad ni Oreb at tulad ni Zeeb,+ At tulad ni Zeba at tulad ni Zalmuna ang lahat ng kanilang mga duke,+ 12  Na nagsabi: “Ariin natin ang mga tinatahanang dako ng Diyos para sa ating sarili.”+ 13  O Diyos ko, gawin mo silang tulad ng gumugulong na dawag,+ Tulad ng pinaggapasan sa harap ng hangin.+ 14  Tulad ng apoy na sumusunog sa kagubatan+ At tulad ng liyab na tumutupok ng mga bundok,+ 15  Gayon mo nawa sila tugisin ng iyong unos+ At ligaligin mo nawa sila ng iyong bagyong hangin.+ 16  Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kasiraang-puri,+ Upang hanapin ng mga tao ang iyong pangalan, O Jehova.+ 17  O mapahiya nawa sila at maligalig sa habang panahon,+ At malito nawa sila at malipol;+ 18  Upang malaman ng mga tao+ na ikaw, na ang pangalan ay Jehova,+ Ikaw lamang ang Kataas-taasan+ sa buong lupa.+

Talababa