Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 82:1-8

Awitin ni Asap. 82  Ang Diyos ay nakatayo sa kapulungan+ ng Makapangyarihan;+ Sa gitna ng mga diyos ay humahatol siya:+   “Hanggang kailan kayo hahatol sa kawalang-katarungan+ At magtatangi sa mga balakyot?+ Selah.   Maging mga hukom kayo para sa maralita at sa batang lalaking walang ama.+ Ang napipighati at ang dukha ay bigyan ninyo ng katarungan.+   Maglaan kayo ng pagtakas para sa maralita at sa dukha;+ Mula sa kamay ng mga balakyot ay iligtas ninyo sila.”+   Hindi nila alam, at hindi nila nauunawaan;+ Sa kadiliman ay lumalakad sila;+ Ang lahat ng pundasyon ng lupa ay nakikilos.+   “Ako mismo ay nagsabi, ‘Kayo ay mga diyos,+ At kayong lahat ay mga anak ng Kataas-taasan.+   Tiyak na mamamatay kayong gaya ng mga tao;+ At mabubuwal kayong tulad ng isa sa mga prinsipe!’ ”+   Bumangon ka, O Diyos, hatulan mo ang lupa;+ Sapagkat ikaw ang dapat magmay-ari ng lahat ng mga bansa.+

Talababa