Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 81:1-16

Sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Ni Asap. 81  O humiyaw kayo nang may kagalakan sa Diyos na ating lakas;+ May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos ni Jacob.+   Umpisahan ninyo ang isang awitin+ at kumuha kayo ng tamburin,+ Ng kaiga-igayang alpa kasama ng panugtog na de-kuwerdas.+   Sa bagong buwan, hipan ninyo ang tambuli;+ Sa kabilugan ng buwan, para sa araw ng ating kapistahan.+   Sapagkat ito ay tuntunin sa Israel,+ Isang hudisyal na pasiya ng Diyos ni Jacob.   Bilang paalaala ay iniatang niya ito kay Jose,+ Noong yumayaon siya sa lupain ng Ehipto.+ Isang wika na hindi ko alam ang lagi kong naririnig.+   “Inihiwalay ko ang kaniyang balikat mula sa pasanin;+ Ang kaniyang mga kamay ay nakalaya mula sa basket.+   Dahil sa kabagabagan ay tumawag ka, at iniligtas kita;+ Sinagot kita sa kubling dako ng kulog.+ Sinuri kita sa tubig ng Meriba.+ Selah.   Dinggin mo, O bayan ko, at ako ay magpapatotoo laban sa iyo,+ O Israel, kung makikinig ka sa akin.+   Sa iyo ay hindi magkakaroon ng kakaibang diyos;+ At hindi ka yuyukod sa banyagang diyos.+ 10  Ako, si Jehova, ang iyong Diyos,+ Ang Isa na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.+ Ibuka mong mabuti ang iyong bibig, at pupunuin ko.+ 11  Ngunit ang aking bayan ay hindi nakinig sa tinig ko;+ At ang Israel ay hindi nagpakita ng anumang pagnanais sa akin.+ 12  Kaya pinayaon ko sila sa pagkasutil ng kanilang puso;+ Lumakad sila sa kanilang sariling mga payo.+ 13  O kung ang aking bayan sana ay nakikinig sa akin,+ O kung ang Israel sana ay lalakad sa aking mga daan!+ 14  Ang kanilang mga kaaway ay madali kong masusupil,+ At ibabaling ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kalaban.+ 15  Kung tungkol sa mga masidhing napopoot kay Jehova, sila ay susukut-sukot na paroroon sa kaniya,+ At ang kanilang panahon ay magiging hanggang sa panahong walang takda. 16  At pakakainin niya siya ng taba ng trigo,+ At mula sa bato ay bubusugin kita ng pulot-pukyutan.”+

Talababa