Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 80:1-19

Sa tagapangasiwa ng Mga Liryo.+ Isang paalaala. Ni Asap.+ Isang awitin. 80  O Pastol ng Israel, pakinggan mo,+ Ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang isang kawan.+ O ikaw na nakaupo sa mga kerubin,+ suminag ka.+   Sa harap ng Efraim at ng Benjamin at ng Manases ay pukawin mo ang iyong kalakasan,+ At pumarito ka ukol sa aming kaligtasan.+   O Diyos, ibalik mo kami;+ At pagliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas.+   O Jehova na Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magngangalit laban sa panalangin ng iyong bayan?+   Pinakain mo sila ng tinapay na mga luha,+ At pinaiinom mo sila ng luha at luha na sagana.+   Inilagay mo kami sa pakikipaghidwaan sa aming mga kalapit na bayan,+ At ang aming mga kaaway ay nang-aalipusta hangga’t kinalulugdan nila.+   O Diyos ng mga hukbo, ibalik mo kami;+ At pagliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas.+   Pinayaon mo ang isang punong ubas mula sa Ehipto.+ Pinalayas mo ang mga bansa, upang maitanim mo ito.+   Naghawan ka ng isang dako sa harap nito,+ upang mag-ugat ito at punuin ang lupain.+ 10  Natakpan ng lilim nito ang mga bundok, At ng mga sanga nito ang mga sedro ng Diyos.+ 11  Unti-unti nitong pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,+ At sa Ilog ang kaniyang maliliit na sanga.+ 12  Bakit mo giniba ang mga batong pader nito,+ At bakit ito pinipitasan niyaong lahat ng dumaraan sa lansangan?+ 13  Inuubos ito ng baboy-ramong mula sa kakahuyan,+ At nanginginain dito ang makakapal na kawan ng mga hayop sa malawak na parang.+ 14  O Diyos ng mga hukbo, bumalik ka, pakisuyo;+ Tumanaw ka mula sa langit at tingnan mo at alagaan mo ang punong ubas na ito,+ 15  At ang sanga na itinanim ng iyong kanang kamay,+ At tingnan mo ang anak na pinalakas mo para sa iyong sarili.+ 16  Ito ay nasunog sa apoy, pinutol.+ Dahil sa pagsaway ng iyong mukha ay nalilipol sila.+ 17  Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao sa iyong kanang kamay,+ Sa anak ng sangkatauhan na pinalakas mo para sa iyong sarili,+ 18  At hindi kami tatalikod sa iyo.+ Ingatan mo nawa kaming buháy, upang makatawag kami sa iyong pangalan.+ 19  O Jehova na Diyos ng mga hukbo, ibalik mo kami;+ Pagliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas.+

Talababa