Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 8:1-9

Sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Awitin ni David. 8  O Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa,+ Ikaw na ang dangal ay isinasalaysay sa ibabaw ng langit!+   Mula sa bibig ng mga bata at mga pasusuhin ay nagtatag ka ng lakas,+ Dahil doon sa mga napopoot sa iyo,+ Upang pahintuin ang kaaway at ang naghihiganti.+   Kapag tinitingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong mga daliri,+ Ang buwan at ang mga bituin na iyong inihanda,+   Ano ang taong mortal+ anupat iniingatan mo siya sa isipan,+ At ang anak ng makalupang tao anupat pinangangalagaan mo siya?+   Ginawa mo rin siyang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga tulad-diyos,+ At pinutungan mo siya ng kaluwalhatian+ at karilagan.+   Pinagpupuno mo siya sa mga gawa ng iyong mga kamay;+ Ang lahat ng bagay ay inilagay mo sa ilalim ng kaniyang mga paa:+   Mga tupa at kambing at mga barakong baka, ang lahat ng mga ito,+ At gayundin ang mga hayop sa malawak na parang,+   Ang mga ibon sa langit at ang isda sa dagat,+ Anumang dumaraan sa mga landas ng mga dagat.+   O Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa!+

Talababa