Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 79:1-13

Awitin ni Asap. 79  O Diyos, ang mga bansa ay pumasok sa iyong mana;+ Dinungisan nila ang iyong banal na templo;+ Ginawa nilang bunton ng mga guho ang Jerusalem.+   Ibinigay nila ang bangkay ng iyong mga lingkod bilang pagkain sa mga ibon sa langit,+ Ang laman ng iyong mga matapat sa mababangis na hayop sa lupa.+   Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig Sa buong palibot ng Jerusalem, at walang sinumang maglibing.+   Kami ay naging kadustaan sa aming mga kalapit na bayan,+ Isang kaalipustaan at kakutyaan sa mga nasa palibot namin.+   O Jehova, hanggang kailan ka magagalit? Magpakailanman ba?+ Hanggang kailan magniningas na parang apoy ang iyong pag-aalab?+   Ibuhos mo ang iyong pagngangalit sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyo,+ At sa mga kahariang hindi tumatawag sa iyong sariling pangalan.+   Sapagkat nilamon nila ang Jacob,+ At pinangyari nilang matiwangwang ang kaniyang sariling tinatahanang dako.+   Huwag mong alalahanin laban sa amin ang mga kamalian ng mga ninuno.+ Magmadali ka! Salubungin nawa kami ng iyong kaawaan,+ Sapagkat lubha kaming naghihikahos.+   Tulungan mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,+ Alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan;+ At iligtas mo kami at takpan mo ang aming mga kasalanan dahil sa iyong pangalan.+ 10  Bakit sasabihin ng mga bansa: “Nasaan ang kanilang Diyos?”+ Sa gitna ng mga bansa ay malaman nawa sa aming paningin+ Ang paghihiganti para sa nabubong dugo ng iyong mga lingkod.+ 11  Dumating nawa sa harap mo ang pagbubuntunghininga ng bilanggo.+ Ayon sa kadakilaan ng iyong bisig ay ingatan mo yaong mga itinalaga sa kamatayan.+ 12  At iganti mo sa aming mga kalapit na bayan nang pitong ulit sa kanilang dibdib+ Ang kanilang pandurusta na ipinandusta nila sa iyo, O Jehova.+ 13  Kung tungkol sa amin na iyong bayan at kawan ng iyong pastulan,+ Magpapasalamat kami sa iyo hanggang sa panahong walang takda; Sa sali’t salinlahi ay ipahahayag namin ang iyong kapurihan.+

Talababa