Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 77:1-20

Sa tagapangasiwa ng Jedutun. Ni Asap.+ Isang awitin. 77  Sa pamamagitan ng aking tinig ay daraing ako sa Diyos,+ Sa pamamagitan ng aking tinig sa Diyos, at tiyak na pakikinggan niya ako.+   Sa araw ng aking kabagabagan ay hinanap ko si Jehova.+ Sa gabi ay nakaunat ang aking kamay at hindi namamanhid; Ang aking kaluluwa ay tumangging maaliw.+   Aalalahanin ko ang Diyos at ako ay mababagabag;+ Ako ay mababahala, anupat manlulupaypay ang aking espiritu.+ Selah.   Hinawakan mo ang talukap ng aking mga mata;+ Ako ay naligalig, at hindi ako makapagsalita.+   Pinag-isipan ko ang mga araw noong sinaunang panahon,+ Ang mga taon noong nakalipas na panahong walang takda.   Aalalahanin ko ang aking musika sa panugtog na de-kuwerdas sa gabi;+ Ako ay mababahala sa aking puso,+ At ang aking espiritu ay maingat na magsasaliksik.   Magtatakwil kaya si Jehova hanggang sa mga panahong walang takda,+ At hindi na ba siya muling malulugod?+   Ang kaniya bang maibiging-kabaitan ay nagwakas na magpakailanman?+ Ang kaniya bang pananalita ay nawalan na ng kabuluhan+ sa sali’t salinlahi?   Nakalimutan na ba ng Diyos ang maging mapagbiyaya,+ O sinarhan na ba niya ang kaniyang kaawaan dahil sa galit?+ Selah. 10  At palagi ko bang sasabihin: “Ito ang umuulos sa akin,+ Ang pagbabago ng kanang kamay ng Kataas-taasan”?+ 11  Aalalahanin ko ang mga gawa ni Jah;+ Sapagkat aalalahanin ko ang iyong kamangha-manghang gawain noong sinaunang panahon.+ 12  At bubulay-bulayin ko ang lahat ng iyong gawa,+ At ang iyong mga gawain ay pagtutuunan ko ng pansin.+ 13  O Diyos, ang iyong daan ay nasa dakong banal.+ Sino ang dakilang Diyos na tulad ng Diyos?+ 14  Ikaw ang tunay na Diyos, na gumagawa nang kamangha-mangha.+ Sa gitna ng mga bayan ay ipinakikilala mo ang iyong lakas.+ 15  Tinubos mo ng iyong bisig ang iyong bayan,+ Ang mga anak ni Jacob at ni Jose. Selah. 16  Nakita ka ng tubig, O Diyos, Nakita ka ng tubig; nagsimula silang dumanas ng matitinding kirot.+ Gayundin, ang matubig na mga kalaliman ay nagsimulang maligalig.+ 17  Ang mga ulap ay madagundong na nagbuhos ng tubig;+ Isang ugong ang ipinarinig ng maulap na kalangitan. Gayundin, ang iyong mga palaso ay nagparoo’t parito.+ 18  Ang dagundong ng iyong kulog ay tulad ng mga gulong ng karo;+ Niliwanagan ng mga kidlat ang mabungang lupain;+ Ang lupa ay naligalig at nagsimulang umuga.+ 19  Ang iyong daan ay nasa dagat,+ At ang iyong landas ay nasa maraming tubig; At ang mismong mga bakas ng iyong mga paa ay hindi nakilala. 20  Pinatnubayan mo ang iyong bayan na parang isang kawan,+ Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.+

Talababa