Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 76:1-12

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Isang awitin. Ni Asap.+ Isang awit. 76  Ang Diyos ay kilala sa Juda;+Sa Israel ay dakila ang kaniyang pangalan.+   At ang kaniyang kublihan ay nasa Salem mismo,+At ang kaniyang tahanang dako ay nasa Sion.+   Doon niya winasak ang nagliliyab na mga tagdan ng busog,+Ang kalasag at ang tabak at ang pagbabaka.+ Selah.   Ikaw ay nababalutan ng liwanag, mas maringal kaysa sa mga bundok na pinangangasuhan.+   Ang mga makapangyarihan ang puso ay sinamsaman,+Nag-antok sila hanggang sa makatulog,+At walang sinuman sa lahat ng magigiting na lalaki ang nakasumpong ng kanilang mga kamay.+   Dahil sa iyong pagsaway, O Diyos ni Jacob, kapuwa ang tagapagpatakbo ng karo at ang kabayo ay nakatulog nang mahimbing.+   Ikaw—ikaw ay kakila-kilabot,+At sino ang makatatayo sa harap mo dahil sa tindi ng iyong galit?+   Mula sa langit ay ipinarinig mo ang usapin sa batas;+Ang lupa ay natakot at tumahimik+   Nang bumangon ang Diyos sa paghatol,+Upang iligtas ang lahat ng maaamo sa lupa.+ Selah. 10  Sapagkat pupurihin ka ng pagngangalit ng tao;+Ang nalalabing pagngangalit ay ibibigkis mo sa iyo. 11  Manata kayo at tuparin ninyo kay Jehova na inyong Diyos, kayong lahat na nasa palibot niya.+Magdala sila ng kaloob taglay ang pagkatakot.+ 12  Pagpapakumbabain niya ang espiritu ng mga lider;+Kakila-kilabot siya sa mga hari sa lupa.+

Talababa