Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 75:1-10

Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Isang awitin. Ni Asap.+ Isang awit. 75  Nagpapasalamat kami sa iyo, O Diyos; nagpapasalamat kami sa iyo,+ At ang iyong pangalan ay malapit.+ Ipahahayag ng mga tao ang iyong mga kamangha-manghang gawa.+   “Sapagkat ako ay nagtalaga ng isang takdang panahon;+ Ako ay nagsimulang humatol sa katuwiran.+   Yamang ang lupa at ang lahat ng tumatahan doon ay napugnaw,+ Ako ang nagsaayos ng mga haligi nito.”+ Selah.   Sinabi ko sa mga mangmang: “Huwag kayong magpakamangmang,”+ At sa mga balakyot: “Huwag ninyong itaas ang sungay.+   Huwag ninyong itaas sa kaitaasan ang inyong sungay. Huwag kayong magsasalita nang may palalong leeg.+   Sapagkat hindi mula sa silangan ni mula man sa kanluran, Ni mula man sa timog ang pagkakataas.   Sapagkat ang Diyos ang hukom.+ Ang isang ito ay ibinababa niya, at ang isang iyon ay itinataas niya.+   Sapagkat may kopa sa kamay ni Jehova,+ At ang alak ay bumubula, iyon ay punô ng halo. At tiyak na ibubuhos niya mula roon ang latak niyaon; Sasairin iyon, iinumin iyon, ng lahat ng balakyot sa lupa.”+   Ngunit kung tungkol sa akin, isasaysay ko ito hanggang sa panahong walang takda; Aawit ako sa Diyos ni Jacob.+ 10  “At ang lahat ng mga sungay ng mga balakyot ay puputulin ko.”+ Ang mga sungay ng matuwid ay itataas.+

Talababa