Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 74:1-23

Maskil. Ni Asap.+ 74  O Diyos, bakit ka nagtakwil magpakailanman?+ Bakit umuusok pa ang iyong galit laban sa kawan ng iyong pastulan?+   Alalahanin mo ang iyong kapulungan na binili mo noong sinaunang panahon,+ Ang tribo na tinubos mo bilang iyong mana,+ Ang Bundok Sion na ito na iyong tinahanan.+   Itaas mo ang iyong mga hakbang sa mga namamalaging pagkatiwangwang.+ Ang lahat ng bagay sa dakong banal ay pinakitunguhan nang masama ng kaaway.+   Yaong mga napopoot sa iyo ay umungal sa gitna ng iyong dako ng kapisanan.+ Inilagay nila ang sarili nilang mga tanda bilang siyang mga tanda.+   Ang isa ay bantog sa kasamaan sa pagiging gaya niya na nagtataas ng mga palakol sa palumpungan ng mga punungkahoy.   At ngayon ang mismong mga nililok doon, ang bawat isa, ay pinagtatataga nila ng palataw at ng mga pamalong may dulong bakal.+   Inihagis nila ang iyong santuwaryo sa apoy.+ Nilapastangan nila ang tabernakulo ng iyong pangalan hanggang sa mismong lupa.+   Sila, maging ang kanilang supling, ay sama-samang nagsabi sa kanilang puso: “Ang lahat ng dako ng kapisanan ng Diyos ay susunugin sa lupain.”+   Ang aming mga tanda ay hindi namin nakikita; wala nang propeta,+ At walang sinuman sa amin ang nakaaalam kung hanggang kailan. 10  Hanggang kailan, O Diyos, mandurusta ang kalaban?+ Pakikitunguhan ba nang walang galang ng kaaway ang iyong pangalan magpakailanman?+ 11  Bakit mo inilalabas ang iyong kamay, ang iyo ngang kanang kamay,+ Mula sa iyong dibdib upang tapusin kami? 12  Gayunman ang Diyos ang aking Hari mula pa noong sinaunang panahon,+ Ang Isa na nagsasagawa ng dakilang pagliligtas sa gitna ng lupa.+ 13  Ikaw mismo ang nagpadaluyong sa dagat sa iyong sariling lakas;+ Binasag mo ang mga ulo ng mga dambuhalang hayop-dagat sa tubig.+ 14  Ikaw mismo ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan.+ Ibinigay mo ito bilang pagkain sa bayan, sa mga tumatahan sa mga pook na walang tubig.+ 15  Ikaw ang Isa na humahati ng bukal at ng ilog;+ Ikaw mismo ang tumuyo ng mga ilog na umaagos nang walang tigil.+ 16  Sa iyo ang araw; gayundin, sa iyo ang gabi.+ Ikaw mismo ang naghanda ng tanglaw, ng araw nga.+ 17  Ikaw ang nagtatag ng lahat ng hangganan ng lupa;+ Ang tag-araw at ang taglamig—ikaw mismo ang nagtalaga ng mga iyon.+ 18  Alalahanin mo ito: Ang kaaway ay nandusta, O Jehova,+ At ang isang hangal na bayan ay nakitungo nang walang galang sa iyong pangalan.+ 19  Huwag mong ibigay sa mabangis na hayop ang kaluluwa ng iyong batu-bato.+ Huwag mong limutin ang buhay ng iyong mga napipighati magpakailanman.+ 20  Tingnan mo ang tipan,+ Sapagkat ang madidilim na dako sa lupa ay napuno ng mga tirahan ng karahasan.+ 21  O huwag nawang bumalik na may pagkapahiya ang nasisiil.+ Purihin nawa ng napipighati at ng dukha ang iyong pangalan.+ 22  Bumangon ka, O Diyos, ipakipaglaban mo ang iyong usapin sa batas.+ Alalahanin mo ang pandurusta sa iyo ng hangal buong araw.+ 23  Huwag mong limutin ang tinig niyaong mga napopoot sa iyo.+ Ang ingay niyaong mga tumitindig laban sa iyo ay pumapailanlang na palagi.+

Talababa