Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 7:1-17

Panambitan ni David na inawit niya kay Jehova tungkol sa mga salita ni Cus na Benjaminita. 7  O Jehova na aking Diyos,+ sa iyo ako nanganganlong.+ Iligtas mo ako mula sa lahat ng umuusig sa akin at hanguin mo ako,+   Upang sa aking kaluluwa ay walang sinumang lumuray na gaya ng leon,+ Na umaagaw sa akin kapag walang tagapagligtas.+   O Jehova na aking Diyos, kung nagawa ko ito,+ Kung may anumang kawalang-katarungan sa aking mga kamay,+   Kung ginantihan ko ng masama yaong nagbibigay-gantimpala sa akin,+ O kung sinamsaman ko ang sinumang napopoot sa akin nang walang tagumpay,+   Tugisin na sana ng kaaway ang aking kaluluwa+ At abutan niya at yurakan ang aking buhay hanggang sa mismong lupa At patahanin ang aking kaluwalhatian sa alabok. Selah.   Bumangon ka, O Jehova, sa iyong galit;+ Itaas mo ang iyong sarili sa mga silakbo ng poot niyaong mga napopoot sa akin,+ At gumising ka alang-alang sa akin,+ yamang nag-utos ka ukol sa kahatulan.+   At palibutan ka nawa ng kapulungan ng mga liping pambansa, At laban doon ay bumalik ka nawa sa kaitaasan.   Si Jehova ang maglalapat ng hatol sa mga bayan.+ Hatulan mo ako, O Jehova, ayon sa aking katuwiran+ At ayon sa katapatan+ kong nasa akin.   Pakisuyo, magwakas nawa ang kasamaan ng mga balakyot,+ At itatag mo nawa ang matuwid;+ At ang Diyos bilang matuwid+ ay sumusubok sa puso+ at sa mga bato.+ 10  Ang kalasag para sa akin ay nasa Diyos,+ na Tagapagligtas niyaong mga matapat ang puso.+ 11  Ang Diyos ay isang matuwid na Hukom,+ At ang Diyos ay nagpupukol ng mga pagtuligsa araw-araw. 12  Kung ang sinuman ay hindi manunumbalik,+ ang Kaniyang tabak ay patatalasin niya,+ Ang kaniyang busog ay tiyak na huhutukin niya, at ihahanda niya iyon sa pagpana.+ 13  At ihahanda niya para sa kaniyang sarili ang mga kasangkapan ng kamatayan;+ Ang kaniyang mga palaso ay pagliliyabin niya.+ 14  Narito! May nagdadalang-tao ng bagay na nakasasakit,+ At siya ay naglilihi ng kabagabagan at manganganak nga ng kabulaanan.+ 15  Nagdukal siya ng isang hukay, at hinukay pa niya iyon;+ Ngunit mahuhulog siya sa butas na kaniyang ginawa.+ 16  Ang kaniyang kabagabagan ay babalik sa kaniyang sariling ulo,+ At sa tuktok ng kaniyang ulo ay bababa ang kaniyang sariling karahasan.+ 17  Pupurihin ko si Jehova ayon sa kaniyang katuwiran,+ At aawit ako sa pangalan+ ni Jehova na Kataas-taasan.+

Talababa